Mom guilt, ako lang ba?

Ako lang ba? Ako lang ba yung nalulungkot everytime na nakikita ko yung baby ko na mas magaan yung loob sa mama ko? After ko kase manganak, nagka heart problem ako dahilan kung bakit hindi hindi breast fed si baby at mas gusto kay mama since si mama nag alaga sa kanya nung mga panahon na wala ako. Nakakalungkot pala ng ganito no? Kahit naman gustuhin ko kase na alagaan sya buong araw, di naman pwede since nag rerecover pa ako and bawal pa bumuhat buhat at mag galaw galaw. Wala akong mapag sabihan ng ganito sa fam ko kase hindi naman nila ako naiintindihan. :( #newmom1stbaby #momguilt #mom

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mamsh, hugs po, anoman po yung nararamdaman is valid po, since bagong panganak tayo, lalo na kung 1st time mom ang gusto talaga natin eh close satin si baby. pero sabi nga ng ibang mommies natin dito, palakas ka mamsh para soon eh ikaw na mismo ang makapagalaga kay baby, aside sa pagkarga pwede mo pa din naman alagaan si baby ibang paraan. wag ka magalala kilala ng babies ang mommy nila, 9months silang nasa tyan eh. I must admit nung few days after ko manganak, may ganyang insecurities din ako ang bilis kasi tumahan ng baby ko kpag ang may karga sknya mga lola nya, medyo nakakaselos pero later on narealize ko na iba talaga siguro ang karga at yakap ng lola, and ayun din idivert mo nalang ung feelings mo to gratitude since andyan si mama mo para tulungan ka during your postpartum and recovery stage. hugs mommy

Magbasa pa