Mom guilt, ako lang ba?

Ako lang ba? Ako lang ba yung nalulungkot everytime na nakikita ko yung baby ko na mas magaan yung loob sa mama ko? After ko kase manganak, nagka heart problem ako dahilan kung bakit hindi hindi breast fed si baby at mas gusto kay mama since si mama nag alaga sa kanya nung mga panahon na wala ako. Nakakalungkot pala ng ganito no? Kahit naman gustuhin ko kase na alagaan sya buong araw, di naman pwede since nag rerecover pa ako and bawal pa bumuhat buhat at mag galaw galaw. Wala akong mapag sabihan ng ganito sa fam ko kase hindi naman nila ako naiintindihan. :( #newmom1stbaby #momguilt #mom

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, gets ko yung nararamdaman mo kaya I didn't allow nung sinabi ng Ate ko na siya na mag-alaga kay baby since I'm working kase ayaw kong malayo ang loob sakin. Pero since iba yung reason mo, okay lang yan momsh. Very understandable. Focus on your healing and recovery para maalagaan mo na si baby. Bata pa yan, their usual reaction is mapalapit sa unang caregiver, maging sinuman man siya. You can also do the same once you're better. Kaya pa yan mahabol, basta consistent ka lang sa love mo sa kanya no matter what :) Mahigpit na yakap momsh

Magbasa pa