My Miracle Baby

Akala ko talaga hindi na ako magkaka-baby ulit. Or kung magkakaroon man is matatagalan kasi nawalan ako ng left ovary noong 2016. Last check up ko pa may PCOS daw ako so kailangan kung mag diet at uminom ng mga gamot. Pero before ako nag take ng meds for may Pcos may binigay sa akin si Dra na gamot pampawala ng malansang amoy sa ibaba. Kaya ininum ko rin talaga, and super effective talaga siya. Hindi naman sa mabaho private part ko. Pero may amoy na something pero noong ininum ko yung gamot na yun nawala yung amoy then BOOM! Nalaman ko nalang na buntis ako. Noong una hindi ako makapaniwala, kasi alam ko sa sarili ko na subrang hirap kung mag buntis dahil wala akong isang ovary then PCOS pa ako. Pero naging maselan din pagbubuntis ko kasi sa katakawan ko. Masyadong malaki sugar ko, hanggang sa naging diabetes na sya. Subrang dami naming pinagdaanan ng anak ko. Kasi naconfine pa ako for monitoring my blood sugar. After nag insulin na ako. Ang hirap dn kasi every kain dapat na checheck mo muna yung blood sugar mo then every 3 hrs kain mo. Noong last check up ko na dun sa nag checheck noong diabetes ko. Which okay na daw kasi nag iinsulin naman daw ako, mag kikita nalang kami pag ka manganganak ako. Tumawag na pala sa OB ko yung nag ultrasound sa akin na kailangan na akong paanakin. Subrang napaaga ako ng dalawang buwan. Paubos na raw panubigan ko, so after check up ko sa OB ko binigyan nya ako ng isang araw para mag lakad lakad. Gusto kasi talaga nyang mag normal ako kasi 1st Baby. So kinabukasan noong nasa delivery room na ako. Hindi parin talaga ako nag oopen. Tusok sya ng tusok para bumuka. E bad timing tatlo kaming papaanakin nya that time so nataranta na sya humihina narin heartbeat ng baby ko so napaaga panganganak ko. Na cesarian ako, pilit nya akong pinapakalma na sa next pregnancy ko ttry nya akong e normal. Then nanganak na ako. Thank god kasi healthy si baby. At that moment hindi parin ako makapaniwala na may Baby na ako. Subrang saya ko talaga! Pero hindi pa jan natatapos ang lahat, 1 week later. Bigla nalang umiyak anak ko ng subrang lakas na hindi siya makahinga agad-agad namin syang dinala sa hospital. Subra kaming nag panik talaga alas kwatro pa yun ng madaling araw pag dating namin sa hospital. Bumalik na paghinga nya. Naging paranoid lang talaga kami. Lumipas pa ang araw napnsin ko na parang malaki tyan ng anak ko, then naninilaw sya. Nung pina check up namin. Okay naman daw sya, so nag hanap kami ng 2nd Opinion sa Madocs. And pina admitted nila agad anak ko kasi mukhang Hirschprung daw. Like nahihirapn syang mag poop so kailangan syang operahan. 1 week syang inobserbahan, kung ano-ano tinutusok sa pwet nya para malaman kung ganoon nga talaga. Awang awa ako sa anak ko. For 3 days hindi sya pinadede. Pinag diet sya. Subrang sakit sa pakiramdam, pag naalala ko naaiyak talaga ako. After ng observation hindi parin makita, so nilipat kami sa PGH kasi kung mag positive man sya atleast hindi kami mhihirapn sa bayad. And Thank god nag negative ang anak ko. Grabe sacrifice ko at ng anak ko, hindi ko alam kung bakit pa kailangan pa kaming pahirapan ng ganun. Pero okay lang atleast normal anak ko. Thank god! Tapos ngayon nag pa check up ako, yung reason kung bakit nwalan ako ng isang ovary tumubo nanaman sa natitira kung ovary. Miracle baby siguro yung anak ko.

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

God is good..parang ako pray lng ako lage na bigyan ulit ng baby after 2years nabiyayaan .kaya pray lang tau mga mommy's dyan para s health ng mga baby natin lalo na ngaun na my virus the best way is mg rosary 🙏

Wow😍 nothing is imposible with him 🙏😇 congrats po❤

Ano ung gamot momshie? Ung nakaalis ng amoy? Share naman

5y ago

Flagyl po. For 1 week sya bago matulog and after breakfast. Pero 2 days palang mapapansin mo ng wala ng amoy sa baba mo.

Wow sana nde nlang nagpost kng nde ssgot lol

5y ago

Paki mo rin kasi hahaha dapat di kanalang dn sumasali sa gantong group

Ano pong gamot? Pashare naman. ☺️

5y ago

Flagyl po. For 1 week sya bago matulog and after breakfast. Pero 2 days palang mapapansin mo ng wala ng amoy sa baba mo.,

Pashare po ano po ung gamot?

5y ago

Flagyl po. For 1 week sya bago matulog and after breakfast. Pero 2 days palang mapapansin mo ng wala ng amoy sa baba mo..

Ano raw ung meds mamsh?

5y ago

Flagyl po. For 1 week sya bago matulog and after breakfast. Pero 2 days palang mapapansin mo ng wala ng amoy sa baba mo...

Wow