Trying to Conceive
Akala ko buntis na ako 😭Kasi delayed na menstruation ko pero dumating naman ngayon 😭😭😭 sakit lang sa pakiramdam yun ganito na paulit-ulit kang umaasa. Lord, baby dust please 😭😭😭 #pleasehelp #pregnancy #advicepls

Nagpa-OB kaming dalawa mismo ni hubby para "magpa-alaga". Yun yung term na ginagamit pag magpapa-checkup ang couple na gusto na magkaanak. Tapos dina-diagnose ng "infertility" kapag 1 year + nang nagta-try pero wala pa rin. Kami ni hubby almost 3 years na naghihintay kaya nag-decide na kami magpacheckup. Pina-TVUS ako, sperm analysis naman sa kanya at dun namin nalaman na mababa ang sperm count at motility nya kaya nahihirapan kami magkaanak. Yung sakin, normal ang result pero nalaman ko kung bakit laging matindi ang sakit ng puson ko pag nireregla ako. Kinailangan ni hubby magpa-consult sa urologist para masolusyunan yung concern sa kanya. Habang inaalam yung cause, binigyan na sya ng meds tapos ininstruct sya magpa-ultrasound ng testes. Sa OB, ang binigay samin ay supplements: Restor-F at folic acid sakin; kay hubby, Restor-F lang. So, pareho kaming dalawa ang iniinom araw-araw. Sa awa ng Diyos, kahit hindi pa sya nagpa-ultrasound at 1 month pa lang nung nagpa-checkup kami, nabuntis na ko. 12 weeks na kami bukas ni baby. Praying na kami everyday sa healthy pregnancy at baby. Pero kahit ganun na nabuntis na ko, itutuloy pa rin ni hubby yung consultation nya sa urologist para malaman yung cause ng concern nya at kung need ba laging ganun ang gagawin pag gusto namin magkaanak. Kayo rin ng hubby mo pwede mag-start sa OB. Samahan na din ng dasal kasi Sya naman ang nagbe-bless satin nito. ❤️
Magbasa pa

