to cs moms out there

after nyo po manganak, ilang hours po bago ka po pwede tumayo at maglakad lakad sa ospital? and may nurse po ba na-mag momonitor kay baby time to time if ever na di pa po ako pwede tumayo? baka mataranta si hubby e. alam nyo na.?

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5am ako nacs. Gising naman ako the whole operation. Di pa lang talaga makabangon para magpadede. Si husband nagaasikaso. Nung first child namin we have friends who came over to help and taught me pano magpadede. After a few hours pinalatch ko na din sakin. Ganun din sa bunso namin, this time expert na asawa ko hehe. Kakaawa lang puyat2 talaga cya kaya sinikap ko na mapadede sakin para di na need ipagtimpla ng formula

Magbasa pa

ako parang overnight ako nakahiga nun kasi groggy pako sa anaesthesia at nagchi chills din ako. kinabukasan pag check sakin ng ob, pinaglalakad lakad nako. may nurse po na lagi nakabantay nung nasa nursery room si baby

Sinasabi naman ng doc yan pag pwede ka na tumayo and maglakad. ako kinabukasan Nakalakad na ko pero dahan dahan lang at di matagal. hehe. Pero mas maganda talaga lakad lakad talaga para mas mabilis recovery :)

VIP Member

Pag NASA Ward ka na.. pag Kaya mo na bumangon, try mo tumayo, try mo lng ahh.. wag ppwersahin.. Pag Kaya mo na tumayo, try mo lumakad.. Yun..genern.. Parang naka slowmotion lahatπŸ˜…

Of course nsa nursery room po muna c baby... sila bahala jan. Then ipapakita sa inyo.. itatabi lang muna sayo para mapadede mo kung may milk ka na..

5y ago

yung first baby ko po kase sa provincial ako nanganak and cs ako.. binigay na po agad samin si baby, ayun nataranta ang hubby nung nag poop si baby kase first time parent kami then di pa ako pwede tumayo.. pero this time sa private hospital na kami at sana maging ok lahat yung service.. πŸ™

Itatabi na po sa inyo si baby kapag nagising ka mommy. Kunin na lang po ulit sya kinabukasan para sa bath time 😊

sakin ksi following day n ko nkabangon at nkLakad.may nurse nmn na nag momonitor samin ni baby

Super Mum

CS mom ako mommy. 3 days induced bago na emergency CS. General anesthesia ginamit sakin kaya maghapon ako unconscious. 7 am ako na CS. 4 pm ako nagising. Sa nursery muna si baby pero nung nagising ako dinala na room ko si baby na nakahiga sa baby bed na provided ng hospital. Kasama namin si baby sa room from day 1 hanggang nadischarge kami. Private hospital ako mommy. From time to time may nagrarounds na mga nurses naman. 7 pm tinanggal yung catheter ko at pinaglalakad na ko nun. 😊

Magbasa pa

Ff