Tired mom na ako

After ko manganak last Dec 2022 hindi na ako nagpost dito sa app and now andito na ulit ako. Turning 11 mos na si baby sa katapusan, 1st baby namen since may infertility issue kase kameng mag asawa kaya antagal bago kame nag ka baby. But, hindi ko akalaen na ganto ka overwhelming ang pagiging isang ina. Alaga + gawaing bahay! nagresign na ako kahit ayoko dahil sobrang likot ni baby at need tutukan talaga. But iba ung stress ng fulltime mom, sabe nila mamimiss ko ang pagiging small ni baby but eto ako, winiwish ko na sana lumaki na sya agad yung tipong nakakasalita at lakad na mag isa. Stress level ko is sagad na pati patience ko. Napapagalitan ko na si baby at minsan palo sa sobrang likot. Naiiyak na lang din ako bigla. Pagod na pagod na ako sobra. Andito naman husband ko pero iba pa din ang stress since pure bf ako at ayaw na nya magbote at formula kya sakin talga ang habol nya. Pagod na pagod ako kahit sarili ko di ko na din makilala.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka nakakaranas ka po ng postpartum depression. Ftm din po ako, pure bf din. 3mos palang po baby ko. Super blessed lang din po since may kapitbahay kaming tumutulong sakin sa gawaing bahay pag pumasok na si hubby sa work. Tyaga lang mii. Mamimiss din natin pagkababy ng mga anak natin. Minsan dahil sa puyat napipikon rin ako kay baby lalo pag hindi agad mapatulog pero napapawi din pag nakikita ko sya na ang himbing ng tulog at minsan nagssmile pa after nya maglatch sakin. Nakakatouch ng puso. Isipin mo nalang ung mga moments na ganun at marerealize mo na sulit ang pagod at puyat na nararanasan natin. Hindi forever na dependent sila satin kaya cherish natin every moment with them. Hugs sau mii! Fighting lang! 🤗

Magbasa pa