5 Replies
Pwede naman ka 5 months mo balik ka sa OB basta pumupunta punta ka monthly sa center kasi may midwife naman dun, minomonitor din naman nila yung baby and may doppler naman dun. Mga friends ko nga dati hindi man nag OB. Center lang din sila tapos kapag ultrasound at lab test saka lang sila irerefer ng midwife punta sa hospital or lab tas yung result ipababasa lang din nila sa Midwife sa Center. Hindi naman lahat ng tao kase afford mag monthly checkup sa mga private OB.
mas maganda mommy pag kada buwan po sana para nagagabayan din po kayo ni OB at nababantayan development ni baby. may mga prenatal vitamins din kasi na binabago bago.
much better po kung kelan schedule sa inyo para nasusundan ni OB yung development ni baby.
mas maganda if mapuntahan po ang mga scheduled check ups.
kada buwan un momsh, baka kasi may need kang laboratory