Screen time

#advicepls #pleasehelp Hi po mga mommies, I'm a 24 years old mom of two. First born is 1 year and 3 months and my youngest is almost 2 months old. Nasa probinsya po yung panganay ko kasama ang kanyang lolo and lola (my in-laws) kasi my husband and I need to work and hindi safe para sa amin ang maiwan siya dito sa NCR due to covid. Unfortunately for us, dito ako inabot manganak sa pangalawa ko so nandito naman siya with us at natatakot pa kami ibyahe siya pauwing probinsya. So yun nga po. My panganay is OBSESSED with cocomelon and yung bago niya ngayon na lulutv. As in buong araw siya nanunuod, mga mommies and I'm getting worried. He's one year old already pero he's still not talking, kahit mommy or daddy wala. Puro "babababa" lang. And he doesn't even respond to his name. Naka-pacifier din siya buong araw at buong gabi kahit tulog (isa pa to, ayaw din nila palitan yung pacifier eh nung August pa ata yun) 😩 and recently lang siya natuto maglakad, siguro last month lang. Ayaw din nila i-toothbrush yung baby ko, sabi nila ayaw daw kasi ni baby eh ang kaso hindi naman porket ayaw ni baby hayaan na lang??? Hinahayaan lang siya ng in-laws na ganun and I'm getting worried kasi wala ako dun to help him with development. Hindi ko naman masabi sa in-laws ko kasi nakakahiya din, ang dami na nila nagawa for us and sa totoo lang hindi naman dapat sila nag aalaga sa anak namin, talagang wala kasi kami choice due to our situation and circumstances. They're so kind to me and accepted me as a part of the family nang walang kahirap hirap. Sinabi ko na to sa asawa ko but I don't think he understands how serious this actually is. Sinasabi naman daw niya sa mother niya but then yun lang. What should I do po? Huhuhu

2 Replies

TapFluencer

baka mag lead po into addiction mahirapan po kayong kontrolin n c baby sa panood... baka po masira ang mata...

VIP Member

bawasan po screen time baby pa baka masyado masira ang mata. bilhan na lang sya toys na malilibang sya.

Trending na Tanong

Related Articles