Wala na po akong tiwala sa asawa ko

#advicepls more than a year na kaming kasal. Madami akong pangarap para sa magiging pamilya namin. May sarili na kaming bahay though hulugan tas may kotse hulugan din at least naipupundar namin nang utay utay. Nanganak ako nitong pandemic. Medyo mahirap kasi malaki gastos noon pero on plan naman kasi kahit papaano may ipon. Di naman kami nawalan ng work ng asawa ko pero medyo kinakapos kami. 24k na fix na monthly dues namin para sa bahay at lupa at kotse. Almost 50k sweldo ko tas 10k every month may pakaltas ako sa savings pero since malayo work assignment ko super kapos na kaya talagang ang savings ko nagagalaw ko na kasi sa gas pa lang 500 to 700 na per day gastos. Anyways si hubby naman almost 25k ang sweldo kaso dami nyang kaltas gawa ng utang. Utang pa nya yun nung pagkabinata nya breadwinner kasi sya. Napagkasunduan naman namin nung kinasal na ung allowance namin sa work ng 2500 per month ay ibibigay namin sa aming parents. Pero simula ng nabuntis ako di na ako nakakapagbigay sa parents ko pero sa kanya tuloy. Nitong nagigipit na ako sinabi ko sa kanya na di na ako nakakabigay kasi nga dami nang gastos simula nung lumabas si baby. Sabi nya isangla lang daw nya ang tice allowance nya para ibigay sa parents nya at last na daw muna yun at papaliwanag nya na babawi na lang pag medyo nakakaluwag luwag na din kami. Walang prob sa akin yun. Tas simula nung nanganak ako dito kami sa parents ko nakikitira para may mag alaga kay baby pag may pasok kami kaya medyo nahihiya na din ako sa parents ko kasi wala talaga ako maibigay. Then since maysakit sa puso ang aking ina dumaing na sya na baka daw pede kami maghanap ng yaya. Kumuha kami kahit na talagang short na kami sa sweldo namin. 5k per month yun. Kaya sabi ko sa asawa ko ung mga loans na meron sya wag na muna na irenew at kelangan namin sa araw araw ok naman sa kanya. Pero kanina nung nakita ko sya sa opis nag file ulit sya ng loan renewal. Tinanong ko kung para saan. Sabi nya para daw sa kanila tas pag tinatanong ko sya in details ayaw nya magkwento at parang naiwas sya sa topic. Wala naman prob sa akin yun kaso parang nalungkot ako kasi di nya sinabi sa akin kung di ko pa sya sinundan sa admin opis namin di pa nya sasabihin. By the way sya may hawak ng atm nya. Nawalan na ako ng tiwala sa kanya kasi sa tuwing magpapakwento ako ng any topic sa kanya di sya nagbibigay ng details lagi na lang basta daw. Tas alam din naman nya na di ko na mapagkasya sweldo ko sa bayarin at nagagalaw ko na personal savings ko na ipon ko pa nung di pa kami kasal. #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls #advicepls

1 Replies

Awe.. you need to connect with him and ask him bat ganun, or may problem ba.. huhu. confront and usap maayos. wag mag-away :( Sana po nakatulong..

Trending na Tanong

Related Articles