STRESS NA STRESS NA KO
#advicepls GUSTO KO LANG MAGLABAS NG SAMA NG LOOB AT MAGSHARE 😪 5 YEARS NA KAMI NI LIP tas nabuntis niya ko 2019 so ngayon magkasama kami sa bahay sa side niya may baby kami 10 months na si lo . ngayon ko lang nalaman lahat simula pala naging kami may ibang babae na siya 😭😭 1st boyfriend ko siya as in lahat sa kanya binuhos ko lahat ng pagmamahal ko kasi 1st time ko magmahal di ko alam wala na palang natira sa sarili ko di ko siya maiwan iwan kahit ano na naririnig ko pero since naging kami di ko kasi siya nahuhuli may mga nagsasabe lang saken pero di ako naniniwala , sa kanya lang ako nakikinig 😭😭 so eto na nga nung 2019 buntis na ko non dun ko lang siya nahuling may chinachat na kung snu snong babae then may isang apps. pa nga na naghahanap siya ng partner so swerte ko kasi nagchat saken yung girl na hinaharot niya , yun pinalampas ko lahat yun alang alang sa anak ko ilang beses ko na siya nahuhuli pero balik pa din ako ng balik sa gagong yun so ngayon naglabasan lahat ng kagaguhan niya dati di ko alam ano purpose bakit nakita ko lahat simula pala naging kami may iba iba na pala siyang babae 😭😭 saklap grabe di ko alam kung ano magiging reaksyon ko halo halong emosyon 😭😭 di ko siya maiwan kasi ayoko mawalan ng tatay anak ko ayoko din lumaki siyang broken family . sa ngayon puro na lang ako panghihinala sa kanya simula nung nalaman ko lahat yun as in wala na kong tiwala . ano kaya pedeng gawin sa lalaking to para magtino ?