156 Replies
Ang puwet ng baby ko ayaw mawala ang mahapdi na rashes. Parati ito na problema ng mga babies. Yung mga common na rason ay acidity. Sometimes ang mga dumi ng baby ay medyo malambot. Yung parang mga buto ng kamatis ang itsura. Malaking chance na medyo acidic ang dumi niya. Kapag yung pupu niya ay nagistandby ng medyo matagal sa diaper napapaso yung pwet ng baby at kaya nagrarashes. Kapag hinugasan mo ang pwet at sya ay umiyak dahil sa hapdi most likely nga ito na yung cause ng acidic na dumi. Ang dapat mong gawin ay kapag dumumi ay dapat tangalin kaagad ang diaper at hugasan ang pwet ng running water at sabonan ng maigi na talagang bumula. Kahit sya ay umiiyak sa hapdi ay kailangan mong pabulain dahil ang bula lang ang makakatangal ng acid mula sa dumi dahil may pagkamantikain yun at gaya ng sebo ay bula lang makakatangal. Karamihang mali ng iba ay baby wipes lang o cotton water lang ang gamit. Kung naghuhugas ba kayo ng plato, pwede ba wipes lang cotton? Di ba hindi? Dahil alam natin na ang sebo ay di natatangal kung walang bula. Diba sa mga commercial pinagyayabang nila mas mabula ang cleanser or sabon nila? Ganun rin ang tao marami tayong sebo. Kahit pawis natin ay sebo rin kaya kapag di masyado bumubula kapag pinaliguan ay dadami ang bungang araw. Ngayon sa pwedeng ipahid sa rashes na mahapdi sa pwet, maganda yung may Zinc oxide. Ang common dyan ay yung Calmoseptine at Rashfree at marami pang iba. Dok ginamit ko na yan di pa rin nawawala? I always answer baka di mo gaanong sinabonan bago mo inapply. At ang isasagot nila ay oo nga pala wipes lang gamit namin. Another is to shift ang milk tempoarily to Lactosefree milk like one to two weeks para pumorma muna ang dumi. Ganun din kasi ang lactose intolerance. Syempre kapag persistent dapat pakonsulta ninyo dahil madami pa pong ibang rason gaya ng fungus or allergy (ibang topic na naman yun). Dr. Richard Mata Pedia Visit www.easyclinicsoftware.com if you need prescriptions sana makatulong po.
Mami always dry the area po, before putting any ointment, paghaluin nyo po ang Drapolene cream and Elica Cream, equal amount po, since may pamamaga na po yang area ng rashes ni baby... Iair dry nyo muna before putting lampin, pahinga muna kayo sa diaper... Then kapag okay na, magchange po kayo ng diapet kasi baka hindi hiyang si baby sa diaper nyo na gamit... And maya't maya po ang palit ng diaper n para di maulit. Do not use warm water din kasi magiging painful yan kay baby, normal or medyo malamig na tubig muna po para medyo mawala din ang pamamaga. Then make sure na kapag nagreapply ka ng cream linisin ng maayos ang area para di magpatong patong yung old cream sa new cream po. It can cause infection din po kasi. Then kahit wala na rashes mami, you can put a thin amount of drapolene cream every morning and night para mamaintain na sya at hindi magrashes.
Ung sa LO q po wla po aqng ginamot n cream,wala pa pong isang buwan baby q non ngkarashes xa,ang gnwa q po every 4 hours pinplitan q po xa ng diaper,tpos po ung gngmit kng panglinis tubig po n ndi nlgyan ng mainit n tubig,kc po pgmainit lalong ngkakarashes manipis lng po kc balat ng baby e,tska cotton...original or ndi original n diaper pag msipag kang mgpalit ng diaper n baby,ndi xa mgkakarashes..ganon din po gawa q s pangany q,pti ngaun s pnglawa q...tska bgo q xa lgyan ng diaper drinadry q muna,mga ilang minuto lng nlggyan q n ng diaper,mksingaw lng ng konti..base lng po yan s experience q s dlwang baby q......
sis pachel up ka na poh s pedia pls, sobrang kawawa si baby nyan lasi mahapdi yan tlga.. wag mna magdiaper at mag wipes kasi llo magagasgas yung rashes nya, tsk! nkakatayo ng balahibo yung rashes nya prang ako nasasaktan, mainit din kasi yung calmoseptine sis, before kasi yun din gamit ko pero mas effective yung elica cream pag malalang rashes mejo pricey lang sa mercury, then ginagawa kong pang everyday cream ni baby sa pwet is yung drapolene every diaper change para sure na hindi dadapuan ng rashes.. sana gumaling na kasi i cant imagine na magkaganyan yung baby koh, sobrang kawawa..
pa check up nyo na po iyan,kawawa naman si baby. at kapag gumaling na rashes nya,sana alagaan nyo na siya,wala naman po sa kung anong brand ng diaper ang dapat gamitin. tamang kalinisan po sa mga anak natin ang kailangan,wag na wag ibabad sa may pupu ang pwet ni baby,hugasan agad ng mild soap at tuyuin lang mabuti. kahit sa wiwi po,dapat every palit hugasan din. mag 10 months na baby ko never pa nagka rashes,yun lang ginagawa ko.
Try mo mamsh drapolene cream every palit. And wag mo muna idiaper, lampin lang hanggang sa gumaling. Kahit onti wiwi lang palit na agad. Pahanginan mo din ng madalas yung perianal area para mabilis gumaling. Basta keep it dry at all times. Wag ka din gumamit ng wipes baka naiirritate din sya dun. Cotton balls and warm water lng pang linis mo sa perianal area nya. Masakit and mahapdi kasi yan kawawa naman si baby 😢
gnyan din si Lo ko before pero bandang SA pwet lng nagdudugo pa po. ginawa ko Pulbo lng then tinigil ko na Ang Disposable Diaper. exclusively Cloth diaper na gamit nya ngaun 😊 Lampin sa umaga bamboo charcoal insert nmn sa Gabi para matagal mpuno. ipahinga mo muna sya momsh sa DD. palit agad kahit isang ihi palang at pulbuhan always para mag dry . pag di pa din nawala momsh pacheck up mo na po tlga sya😊
s*** sakit neto.. Mommy, wag po.muna i diaper si baby, tsaka dpat po paging dry after nya umihi palitan po agad ang sapin or. punasan agad ng bsang cotton o tela po para mawala ang hapdi 😔😔 rashes nung baby ko din paltos2 pero hndi ganyan kadami, petroleum jelly lang po tapos wag magdiaper, at nkasingaw lang, di bale nang laba ako ng laba ng pinagdumihan nya, 2 days lang natuyo na agad,
Kawawa naman si baby. Mommy, dalasan mo pagpalit sa kanya ng daiper every 3-4 hours. Bago mo ilagay ung malinis na diaper, give her more air time. Wag mo na din muna lagyan ng kung ano kasi mulhang sobrang irritated na ung skin niya. Wag ka din gagamit ng wipes mommy. Instead, use cotton and lukewarm water. Pero mainam talaga mommy na puntahan mo si pedia niya or virtual consultation...
Cloth diaper mura lng SA shopee. 45php lng then bili ka nlng lampin momsh pag umaga at pag Gabi bamboo charcoal super tipid , rash free and eco friendly ❤️
You can do online teleconsultation mommy kung di kayo makalabas kasi sa ganyang kalalang case need na talaga matingnan ng pedia si baby. Heto prescribed ng pedia ni baby pagdating sa diaper rash. Hindi rin kasi effective before kay baby ang Calmoseptine. Aside from that pahingahin mo muna sa diapers si baby, air dry as much as possible and use cotton with warm water insstead of wipes.
Anonymous