No longer happy?
#advicepls Anong dapat kong gawin, di ko alam kung epekto pa rin to ng post partum (10mos bb), pero sa tuwing nag-aaway kami ni partner sa maliliit na bagay, naiisip ko na parang hindi kami para sa isat isa. Na may ibang relationship akong hinahanap, hindi yung ganito. Si partner, sa totoo lang mabait, maalaga, responsible, walang malaking issue sa pagkatao nya actually, pero bakit ganun yung nararamdaman ko. Parang naiisip ko agad konting away namin gusto ko na makipaghiwalay kasi feeling ko hindi kami compatible. Na pag tumagal tagal baka pagsisihan ko kasi di ako masaya. Advice naman po. Kahit bash okay lang, kailangan ko malinawan.