#needadviceMgaMommy

#advicepls Hi admin pa post. Need ko lang ng mga advices or inspirational messages from our readers. Wala po kasi akong nakausap dito sa bhaux. Hingi lang akong tulong lalo na dun sa napagdaanan ung pinagdadaanan ko. Last March 20,2022 kinuha na po kasi samin ung baby namin (1 and 5mos plang po siya). Sobrang sakit talaga mawalan ng nagiisang anak. Gabi gabi parang akong binabangungot pag naaalala ung last moments niya. Isang araw lang po lahat nangyari at sa isang araw na un kinuha na ni Lord si baby. Nasa stage ako na full of regrets, in denial, ang daming what ifs. Sobrang hirap lalot magisa lang ako sa bahay. D pa ko makatulog ng maayos sa gabi. Pero ngdadasal naman ako baka kulang pa nga lang. Sa ngayon ung mga naiisip ko magpakalayo layo.. magresign sa trabaho. pero pag naiisip ko din ung kahirapan sa buhay nagaalangan ako.. d ko na po alam ang gagawin ko sana na tulungan niyo po ako

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Always remember that God is in control. May plano sya para sa atin na di man natin maintindihan bakit nangyayari lahat ngayon pero darating ang araw marerealize din natin yung reason ng kung bakit nangyari ang nangyari na. Alam ko pakiramdam ng mawalan ng anak, nawala din first born ko 7mos ago. 24days old lang sya. Make yourself busy. Wag ka mag-isolate palagi kasi di yun makakatulong sa pagrerecover mo. Isipin mo na lang na nakatingin palagi sayo si baby from heaven at hindi nya magugustuhan na makitang nalulungkot ka dahil sa pagkawala nya. Laban lang po, ituloy natin ang buhay. Sa una mahirap pero darating ka rin sa point of healing na kung saan masasabi mo na that you are truly blessed kasi nabigyan ka ng chance na maging mommy ng isang angel. 😊 Cheer up mommy. Be strong. Nawala lang sila physically pero di sila mawawala sa puso at isip natin.

Magbasa pa
TapFluencer

Condolences sis. Napakasakit ng pinagdadaanan mo ngayon at walang anumang salita ang makakapagpagaan agad ng loob mo. Ang maiiadvise ko lang eh ipagpatuloy mo ang pagdadasal mo kay God, humingi ka sa Kanya ng lakas at tibay ng loob para malagpasan mo yang pinagdadaanan mo ngayon. Wag kang panghihinaan ng loob, laban lang sis, isipin mo na lang na nasa piling na ni God si baby ngayon at pinapanood ka niya. Hindi masamang umiyak at malungkot pero wag mong pababayaan ang sarili mo. At dapat kayo ng partner mo eh icomfort ang isa't isa, wag nyong hayaan na mag-isa kayong lalaban. Pray palagi.

Magbasa pa
3y ago

salamat

VIP Member

Sorry for your loss mie... Lagi mo iisipin na hindi kinukuha ng Diyos ang buhay ng isa. Pag-ibig ang Diyos at sakdal sya. Kahit kailan di sya gumagawa ng ikakasakit ng loob natin tulad nga nangyari sayo -Job 34:10-12. Kaya nga maaasahan mo sya palagi sa lahat ng pagsubok na pinagdaraanan mo at makakaasa na nalalaman nya ang iyong pagluha at pagdurusa.

Magbasa pa
3y ago

salamqt

magpray ka lang lagi sis.wala man kami sa posisyon mo pero ramdam namin yung sakit ng mawalan ng mahal sa buhay.wag kang susuko sis.may dahilan si Lord kung bakit mo pinagdaanan yan.hindi man natin maintindihan sa ngayon yung dahilan,darating din yung panahon na malalaman din natin kung bakit.

3y ago

salamat momsh

TapFluencer

condolence po .. iiyak mo po yan para gumingawa po pakiramdam mo po .. wag k po pang hinaan ng loob,hindi k po nag iisa,my awa dn po c lord,siguro dpa ngaun ung para sau .. pero wag k mag mag alala, my darating pang bb mo po na makakasama mo hanggang sa pagtanda☺️

3y ago

salamat po mommy

thanks po