usapang byanan

advice pls, born again christian po ako, katoliko naman asawa ko, kasal kami sa born again. ngayon may baby na po kami, and balak po namin ipa dedicate na c baby, bago kami nag book for everything as a preparation, napag usapan na po namin mag asawa if binyag ba sa katoliko or dedication sa christian, napag disisyonan namin na dedication yung gagaain namin kay baby. kaso nung nalaman ng mga byanan ko na ganon gagawin namin xempre umalma sila, kz gusto nila binyag sa katoliko ang gagawin. my point here is, dapat kaming mga magulang yung masusunod kz anak naman namin yung ihahandog. and kami naman yung gagastos lahat. kaso parang masama po loob ng mga byanan ko sakin, kz sa tingin nila ako yung nasunod sa pag papadedicate kay baby. ano po pwede kong gawin para maipa liwanag sa kanila yung gusto namin para kay baby?? TIA

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung napag desisyunan nyo na pala mag asawa eh wala na problema jan...problema ng mga kamag anak nyo na yan kung ano gusto nila...tutal sabe mo kayo ang magulang kaya kayo ang masusunod. Wag nyo nlng sila imbitahan eh ayaw naman pala nila kaya wag din sila mag sama sama ng loob jan...hndi lahat ng gusto nila makukuha nila lalo pat mga kamag anak lang sila...hndi naman sila yung gagastos eh at hndi nila yan anak.. kayo lang dapat masunod sa anak nyo...taga pag payo lang sila...wag na kayo mag explain sa kanila if hndi sila pumunta fine kung pumunta sila edi ok wag sila kamo epal dahil celebration yan ng bata hndi sila

Magbasa pa
5y ago

Edi maganda para walang bida bida.... If mahal nila ang bata at ang asawa mo hahayaan nila kung saan kayo masaya. Like me catholic kame pero napangasawa ko iglesia ni cristo. Wala naman kaso sa family ko wag sila bida bida lol....napag usapan naman namen yan mahal daw ako mg mga magulang ko kaya kung saan ako masaya suporta sila.

ung mga friends ko po ang ginawa is both pinabinyag at dedicate, then kpag malaki na bata saka sya mgdecide on his own ano religion pipiliin nya. siguro nagtampo lang in-laws mo ksi hinayaan na un kasal nyo sa born again christian kc kayo nman un, baka gusto nmn nila sa catholic ung binyag ng baby. pero at the end of the day, kayo pa rin po masusunod sa anak nyo

Magbasa pa
5y ago

thank you sis, malamang ganon nga yung mangyayari since 3 days after ng dedication magbabakasyon kami sa province ng husband ko, then dun na nila balak gawin yung binyag sa katoliko. wich di ko din naman tututulan dahil laking katoliko din ako, then ako na nag decide na mag pa baptized sa christian

Same situation here.. samin pati date ng binyag nangingialam sila. E kaming magasawa nagdecide na sa april nalang para makaipon pa kami at idedicate dn nmn c baby kaso gusto nila mapaaga as in november at katoliko ang binyag. Ndi nalang ako minsan sumasagot. Kasi kaming mga magulang at gagastos nmn ang dapat na masunod.

Magbasa pa

Asawa mo ipakausap mo pra maipaliwang nya ng maayos, mhirap ksi kpg syo galing bka iba maginh dating sa knya.. yun ang npagusapan nyo bilang magulang at mag asawa at hndi lng ikaw ang nagdesisyon kamo.

kayo ang masusunod syempre wag mo pansinin byenan mo. ikaw ang nanay sau nanggaling yan dinala mo yan ng 9 months so dapat lang kaw masunod

Ipaliwanag po ni hubby mo sa parents nya na kayong dalawa ang nag decide at hindi lang ikaw. Pero syempre intindi parin sa parents-in-law. 😊

5y ago

Ai, ayun lang po. Mukhang wala na po magagawa kung talagang hindi nila gustong intindihin. Okay lang yan po, as long as you're doing no harm sa kids ninyo. 😊

TapFluencer

Kausapin mo lng ng maayos. Normal lng na medyo umangal sila kasi apo nila pero ikaw din naman masusunod. I-explain mo nlang ng maayos.

Anak niyo yan eh. So kayo parin ang may rights kung anong mapagdesisyunan ninyong mag asawa.

Kung tutuusin dapat nga yung bata masunod kung anong relihiyon ang gusto niya e.

5y ago

True

Kayong parents prn po ang masusunod.