Relationship with my partner's family

#advice #pasagotmgamommies Hello.Is.there anyone experience it here like what I am experiencing.So here,nakatira kmi sa bahay ng partner ko kasama yung pamilya nya starting this april lang and that time 2months pa lng baby namin.All goods pa nun and okay pa yung pakikitungo like pag may pagkain sila nag aalok sila and marunong silang tumahimik since may baby nga,hindi sila gaanong nasasabihan ng partner ko na tumahimik.But habang tumatagal,as in nagiging perwisyo na yung ingay nila to the point na hindi na ako makapagpahinga sa pag bantay ng bata at nagigising yung bata sa ingay nila.PS may kapatid silang 4years old na sobrang spoiled brat na laging sumisigaw tas umiiyak dahil gusto laging binibigay ang gusto,as in umaga hanggang gabi naiyak pag di binigay gusto na pwede namang sawayin pag nasigaw or what pero hindi.Minsan kung saan natutulog ang bata dun sila nag iingay,tas pag gising na dun sila nagiging tahimik Eto na nga,i became distant to them dahil masama loob ko sa kanila,hindi nako laging lumalabas sa kwarto pati yung baby ko minsan iniiwas ko na din sa kanila na minsan pag nilabas ko baby ko nagsasabi sila sa anak ko na buti lumabas na daw or minsan sarcastic pa na wag daw lumabas.Tas 4 mos pa lng yung baby ko ha,pinakain ng nanay ng stick bread dahil yun daw sabi ng matatanda sa labas(dinala nya sa labas w/o my permission).Pinangunahan ako sa desisyon na kung kailan ko gusto papakainin anak ko. Ngayon,di pa kmi nakakapagbukod dahil may bayarin pa at si partner pa lng nag wowork so di kakayanin pag nagsarili kami.

1 Replies

Sa situation mo ngayon, medyo challenging talaga yan lalo na at bago pa lang ang baby ninyo tapos magkasama pa kayo sa bahay ng partner mo kasama ang buong pamilya niya. Ang pagiging open mo sa nararamdaman mo ay maganda, pero importante rin na may open communication kayo ng partner mo para masolusyunan ito. May ilang steps na pwede mong gawin: 1. Usapang mag-asawa. Mahalaga na iparating mo sa partner mo ang nararamdaman mo at kung paano naaapektuhan ang sitwasyon sa inyong pamilya. Dapat magtulungan kayo para magkaroon ng boundaries at understanding sa galit na nararamdaman mo. 2. Usapang magpamilya. Maaari rin na magkaroon ng maayos na usapan kasama ang pamilya ng partner mo. Ipaliwanag mo ng mabuti ang iyong concerns at bakit importante ang katahimikan para sa bata. 3. Hanap ng solusyon. Baka maaari kang mag-isip ng mga solusyon tulad ng pag-set ng specific quiet hours, pagtutok sa pamamahala ng kapatid na spoiled brat, o paghahanap ng ibang paraan para makapanatili ng katahimikan sa bahay. 4. Maghanap ng ibang lugar. Kung mahirap na talaga ang sitwasyon, pwede kang mag-explore ng ibang arrangement o lugar para manirahan kahit temporary lang habang hindi pa kayo makapagbukod. Mahalaga ring tandaan na ang pagiging magulang ay hindi madali at kailangan mo rin ng oras para sa sarili mo para hindi maapektohan ang pakikisama mo sa ibang tao. Kapag mas naging malinaw ang komunikasyon sa inyong pamilya, mas madali ring mahanapan ng solusyon ang mga problema na nararanasan mo ngayon. Sana ay magkaroon ka ng magandang resolution sa situation na ito, at sana ay maging maayos na muli ang iyong pakikitungo sa pamilya ng partner mo. Ganbatte! https://invl.io/cll7hw5

Trending na Tanong

Related Articles