βœ•

27 Replies

Much better po kung magluluto nalang kayo, laking tipid po nun. Alam mo sa sarili mong mas malinis na yun at mas healthy pa kasi kontrolado mo yung mga ilalagay mo tulad ng asin/asukal, tsaka pag lutong ulam ang bili, jusko panay preservatives yan na magic sarap, vetsin, etc whichh is napaka cancerous. Kung hindi po kayo marunong magluto, may Youtube/Google na po, marami kayong recipes na pwede isearch. Pagbaunin niyo rin po si mister ng food sa work, mas busog na siya, mas tipid pa yun kaysa mag-fastfood siya. Halos same lang po kinikita ng partner natin, mas malaki pa po upa namin sa bahay na 6k po, plus 2k sa kuryente, 1400 sa internet, then 200 sa tubig. Naibibigay pa din naman po ang pangangailangan ni mister like para sa pagvavape niya. Tsaka try niyo po mag-ipit agad ng pera like 500 pesos or 1k kung kakayanin. Sikapin na niyo na wag niyong magalaw yung 500 kung hindi talaga kaya magtabi ng 1k.

Hahaha same po tayo mommy, buong araw na ulam na namin kadalasan yun. Nasa 100-200 (or less kung gulay ang uulamin) lang nagagastos ko in a day tas maghapon na namin yun at pambaon ko kay hubby. Pinagsasalit-salitan ko lang na gulay-karne-gulay-karne everyday para di nakakasawa. Hehe.. 😊

VIP Member

Hindi mo ba kaya magwork either office-based or homebased? You need to work as well, you have to help your husband. Buminili ka ng ulam everyday? Like lutong-ulam? Kapag magggrocery ka bilhin mo lang yung "pinakaimportante." Saka make sure na pang-isang buwan yung bininili mo para nakakatipid ka. Wag tingi-tingi na pagbili. 1. Toiletris 2. Food (frozen meat/fish pang 1week or more) / gulay at prutas 3. Others (sabon panlaba, condiments etc) Kung gusto mo talaga makatipid ng bongga, sa PALENGKE ka bumili. Yung 1,500 mo sobra sobra na yun. Para makaipon ka 500 kada cut off magtabi kana. At magluto ka ng babaunin ng asawa mo para di na siya bibili ng food sa labas. Laking tipid yun. Yung 9k na sahod ng asawa mo, ibreak down mo. 1. Savings 2. Allowance ng asawa mo 3. Grocery 4. Bills 5. Expenses (extra yan para yan ang dudukitin mo instead sa savings ka kukuha)

VIP Member

gumagawa ako ng budget plan. Para alam ko kung sapat ba ung income sa expenses namin. I also made sure na nakakapag save din kami kahit maliit na amount. Gumagawa din ako ng weekly meal plan at pinag babaon ko si husband para tipid at d na sya mahirapan mag isip ng food nya for lunch. Hindi ko hawak lahat ng pera, hindi rin ako strict kapag may gusto sya bilhin basta alam ko lang kung san nya ginagastos kasi nga nag momonitor ako ng expenses. Mahirap mag budget, nakaka stress pero nakakatulong ung mag track ka ng expenses niyo para alam mo san napupunta. Umuupa din kami mamsh. 5k pa nga apartment namin monthly bukod kuryente at tubig pa, pero pinipilit ko pag kasyahin talaga kasi d naman ganon kalaki sahod ni hubby. Kaya gusto ko na bumalik sa work pag naka panganak na ako.

For me un gnagawa ko nililista ko na lahat ng gastusin bago pa dumating ang sahod, lahat lahat isama mo pati un tinatago ni mster mo n 1k,un ulam nyu araw2x, pamasahe, bills.. basta ilista mo, dun mo malalaman if my natitira paba tlaga sa sahod mo .. if meron un ang itago mo mging strikto ka sa sarili mo na wag gagamitin un. Pag inilista mo kc un mga gastusin ahead of time malalaman mo un saktong amount na nid mo ilaan sa lahat at kng may maitatabi kapaba tlaga. If wala un ang problema nid mo mad add ng income bzness or hanap ng mas malaking sahod n trabaho ..

gawin mo compute mo magkano nagagastos niya halimbawa 200 allowance niya per day lahat na yun pagkain niya sa trabaho at pamasahe tapos multiply mo kung ilang days sya pumapasok hanggang sa sumahod ..tapos pagsasahod ibigay muna agad sa kanya yun na allowance nya hangga g sumahod next sa upa at grocery maglista kung magkano bawat grocery at upa..kami kasi umuupa din kinsenas katapusan din sahod pero bago pa sumahod nakalista na mga bayarin upa allowance nya ng 15days at kung ano matira itatabi kahit gaano pa kaliit yun.

Yes ...sis ganun nga ginagawa ko..

Gawin nalang pong simple ang handaan momsh, para di ka na din mastress. kada sahod magtabi ka ng 500 kada sahod ng asawa mo, wag mo nalang galawin un para sa pinaghahandaan mong okasyon.kung ano lang pong maipon yun nalang po wag na ipilit.. sa panahon po kasi ngayon mahirap kumita ng pera at hirap na din makaipon sa mahal ng bilihin, maghanda ka man baka kinabukasan e walang wala ka na.

Kung pipilitin ang wala masstress ka pag aawayan nyo po ng asawa mo yan. kung talagang gusto mo bigyan magandang 1st bday si baby kahit 50 20pesos a day itabi tutal araw araw nman pala kayo nagluluto araw araw ka din namamalengke. Ako kasi pag 1st baby ng anak ko mas gusto ko pa ipasyal sya saka na kami mag handa pag maeenjoy nya na para sulit pera at pagod.

Ho mamshie, advice lang po.... try mo po humanap din ng raket or homebased job para matulungan ung partner mo. Mas madali po kau makakaipon king gusto nyo tlga ipush ung celebration na un. Mahirap po kasi tlga ang pasok ng pera sa panahon ngayon lalo na kung isa lang ang nagwwork. Wag nyo po sana masamain.. and sana makatulong. Thank you

VIP Member

Wag mo na po ipush yung bongga na birthday hehe. Ang importante mabinyagan si baby at mairaos ang birthday nya. Kaya mo yan sis. Tska importante makapag tabi ka kahit 500 every cutoff para kahit papano hndi zero. Kahit gano kaliit ang sinasahod di reason na hndi ka makapagtabi. Goodluck sis! Advance happy birthday kay baby. 😍

sis ganto gawin mo, diba kada sahod ni mister mo binibigay sayo. pagka bigay sayo mag tabi ka na agad ng isesave mo for binyag or para sa ipon nyo, then itabi mo nadin yung para sa mga bayarin nyo,. yung matitira yun lang yung dapat mo pag kasyahin for daily. yan lang ginagawa namin ng asawa ko skl.

aray, pero momsh mas maganda kung pag uusapan nyo yan. yung maayos, bago matulog sabihin mo sa kanya kung ano yung iniisip mo, ipaliwanag mo nag mabuti sa knya,. mas mahirap kasi kung wala kayong maiipon at di lang naman kasi binyag at birthday ang pag kakagastusan nyo life time na yan, mapag uusapan naman yan,. kaya mo yan sis wag ka masyado mastress

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles