Pregnancy Vitamins 🤮
9 weeks and 4 days pregnant na po ako. And recently lang nag dagdag si OB ng mga Vitamins. Alam ko namang need ko lahat inumin for the sake of baby and me, pero sobrang hirap lang talaga. Twice a day ko lahat dapat i-take pero di kaya ng sikmura ko. Pag open ko palang ng medicine kit naamoy ko na and hindi ko talaga bet. Share naman kayo tips and tricks kung pano ko lahat to i-take. Nasasayang lang kasi minsan sinusuka ko lang after a few mins kong inumin.
same sis marami bigay n ob kaso diko binili folic acid at anmum lang ininum ko kasi alam ko sa katawan ko hindi ko kakayanin sa folic acid nga nasusuka na ako ,.paano pa kaya kung ganyan kain ka lang ng masustansiya po
naku, same po tayo😅 feeling ko nasstress ako everytime na oras na uminom ng vitamins haha kaya ayun itinigil ko yung mozvit, hirap kasi lunukin..nasusuka ako. pero yung calcium and ferrous okay lang kaya tiisin
hindi ako masusukahin sa gamot, pero yung obimin plus amoy chocolate naman nagulat ako nagsuka ko dahil jan. Ang trick ko sa obimin plus ay iniinom ko sya bago matulog since 1x a day lang naman din sya 😁
kong ako sayo me by oras mo inumin. kasi ako iinum ako 2 capsul 8am tapus 2 capsul 12noon, din 2capsul 4pm at 2capsul8pm nanamn.. kasi nakakapagud pag isabay talaga lahat.. tapus yung iba 2times aday pa.
eto naman ung sakin and every night ko lahat sila iniinom para derecho tulog. advise ko siguro, wag mo lagay sa medicine kit, nagsasama sama kasi ung amoy ng mga gamot and lalo nakakahilo ung amoy non.
isabay mo sa gatas pag umaga..or pagka matutulog o inaantok ka..ska mo inumin para kung masuka ka man o mahilo eh na absorb na sya ng katawan mo..ganyan din ako nung first trimester 😪😪
Andami supplements mo, mamsh. Once a day lang advise sa kin ng OB Obimin, Hemarate at Caltrate. Hemarate lang sablay sa kin minsan kasi naha-heartburn. Malapit na ko matapos 35 weeks 😊
Mi ganyan din ako sinusuka ko lalo na yung obimin plus, ganyan talaga side effect nya kaya mas better itake sya tuwing gabi yung matutulog kana. ngayon di na nasasayang yung gamot ko
ask mo po sa ob mo if may pwedeng alternative na gamot or pwede gawn para hnd ka masuka mi. i feel you. sobrang hirap talaag dami natn gamot tapos may pagsusuka pa, doble hirap :(
same tayo sis. pero para kay baby eh iniinom ko talaga on time at pilit ko iniinom kahit nasusuka na me sa amoy at lasa . inom ka milk or something na favourite mo after.