Pregnancy Vitamins 🤮
9 weeks and 4 days pregnant na po ako. And recently lang nag dagdag si OB ng mga Vitamins. Alam ko namang need ko lahat inumin for the sake of baby and me, pero sobrang hirap lang talaga. Twice a day ko lahat dapat i-take pero di kaya ng sikmura ko. Pag open ko palang ng medicine kit naamoy ko na and hindi ko talaga bet. Share naman kayo tips and tricks kung pano ko lahat to i-take. Nasasayang lang kasi minsan sinusuka ko lang after a few mins kong inumin.
Ganyan talaga sis para kay baby.. kht na di ka pala vitamins nung di ka pa buntis ngayon natin mararanasan na magvitamins para healthy ang baby.. ❤️ Kaya mo yan sis..
kayrami nga. baka kung ako rin inom, mahirapan din kasi hindi ako sanay uminom ng gamot/vitamins. sa akin nun buntis ako, medcare OB binigay. para raw isang inuman na.
Try mo po i-space out yung pag inom. After kumain inom dalawa, after 30 mins dalawa ulit. Ihiwalay mo po yung prenatal vitamins sa folic acid 😊
If hirap ka inumin mommy, basta multivitamins and ferrous sulfate pwede na for you and baby 🙂 bawi din sa healthy foods and Milk
Hello po, ask q po normal po ba na maka experience na hnd makatulog sa gabi at 14weeks pregnancy? May vitamin po ba na pede i take?
hi mamsh, don't take it in one time. take Calcium sa morning, then multivits ng after lunch. then yung additional folic sa gabi :)
Ang dami nmn po nyan. Bat kaya sakin 2 lang. calcium at folic lng binigay sakin ni OB. Calcium kase dko kya magmilk ng magmilk.
bumili na lang ako ng gummies na multivitamin mas mahal nga lang compare sa tablet. and syempre kain lang fruits and gulay.
ang dami , sakin quatrofol lang nireseta sakin nung 1st trimester , then now is calcium ,polymax and DHA , 18 weeks now
4 Po un skin vitamins 2nd trimester na Po ako calcidin ,hemarate gas,regenesis max at immunpro ok nman Po lasa