Pumayat ka ba dahil sa Pagpapadede ?

88kg po kasi ako Bago Manganak, After ko po manganak napansin ko Pumayat Hita ko, Mataba kasi ako.. mga Isang Buwan Pinabakunahan ko si baby ko, Sinabay ko na Pagtimbang sa sarili ko.. at 67kg nalang po ako.. laki po ng Binagsak ng katawan ko, pero di naman po ako nakakaramdam ng kahit na ano.. At ganun pa rin naman Yung Lakas ko sa Pagkain.. pero di pa rin po Bumabalik Yung Dati kong katabaan. NORMAL LANG PO BA ITO DAHIL NAGPAPADEDE AKO ? #1stimemom PS: (Pasensya na Po sa Picture ko Hehehe 😂) Yung suot ko na yan , Fitted yan sakin Non Ngayon Maluwang na.. Medyo Worried lang po kasi ayoko isipin na baka may sakit ako, Wag naman sana , dahil ayoko mahawaan ng kung ano ang baby ko, Problema ko na rin ngayon Shorts ko Hahaha 😂 Lawlaw na kasi siya sakin Mga Sis..

Pumayat ka ba dahil sa Pagpapadede ?
39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pa out of topic po tatanong ko lang po kung nakaramdam po ba kayo ng pananakit ng isang dede kasi po sakin masakit e pure breastfeeding po ako. Ang tigas po kasi ano po kaya magandang gawin? Yung isa ko naman pong dede di naman po sumasakit awa ng diyos. Any help po ☚ī¸ first time mom po

4y ago

sakin din Ganyan .. Sagana Po kasi ako sa Gatas , Bale Namuong gatas po yan Sa loob Pag pinadede naman kay baby Mawawala rin agad .. Kaya Kailangan po Siguraduhin Daw pong Napadede po ng maayos ang Baby bago Siya Hayaan Makatulog.. Pwede po kasi Magsanhi ng Sakit Yung namuong gatas sa loob .. apektado po ang Baby pag ganun

Yan din naeexperience ko sis. From 65kls. mula nung nanganak ako, 46 na lang ngayon. Ebf ako. Sinasabihan na nga ako ng nanay ko na magpacheck up kase payat ko daw. Baka may sakit na daw ako. Hahaha. Ayoko naman kase wala naman ako nararamdaman..i feel fine naman.

breastfeeding can do wonders! Ako last na timbang ko before I gave birth nasa 178 lbs. 13 months after naglalaro na lang sa 131-134 lbs ang timbang ko. Yung mga damit ko noon before ako nagbuntis kasya parin hanggang ngayon, yung iba lumuwag pa 😂

Sa panganay ko Ebf ako pero hindi nman nabawasan yung timbang ko lalo pa kong lumobo 😂 ewan ko lng sa second baby ko ngayon kung lolobo prin 😂

VIP Member

Yes po nakakatulong ang pag papayat kapag ngpapa breastfeeding ka po lalo na sa una pero dhil need mo qmain ng qmain tataba ka din po ..😊

Same. Mas lumakas pa akong kumain after manganak pero payat pa din. Ang mga pre pregnancy clothes ko mas lumuwag din.

depende po siguro, pero pumayat din po ako kahit panay kain dahil maya maya gutom si lo. lalo na nung first month.

VIP Member

Normal lang po lalo kung bf. Twins sakin and ang timbang ko 74kgs tapos ngayong 1 month na sila 57kgs nalang đŸ¤Ŗ

Sana all pumapayatt. I'm a breastfeeding mom, ang lakas ko kumain pero feeling ko di ako pumapayat. :(

4y ago

tamang Kain sis khit breastfeeding... wag sobra.. d rin Kasi mkakatulong Ang pag breastfeed sa pag payat if malakas ka rin kumain.

sana all pumayat habang ngpapabf..aq from 57 t0 67, 6 months exclusive pure breastfeeding mom