malamig na tubig
5 mos. preggy po ako. lagi po ako sinasabihan ng mga kasama sa work or makakita lang sa akin na masama daw uminom ng malamig na tubig kasi daw nakakalaki ng tyan?sinabihan ako dati ng ob ko pero pagkakatanda ko para hindi lumala ubo ko noong first trimester ko. hmmm yun n lang po talaga way ko para maibsan ang init kapag walang aircon , as in simpleng cold water lang talaga. ano po say nyo dito
Ako lagi talaga nainom ng malamig as in, tas sa ultrasound ko sakto lang size ni baby ko. Tinanong ko sa ob ko kung pwde ako cold water since sobra init talaga now, sabi niya ok lang naman yun kasi 0% cholesterol ang water. Wag lang sobra lamig mamsh para di ubuhin.
sobrang hilig ko nga din sa cold water as in nagyeyelo talaga from our freezer. Nako una ayaw ko, ngayon yun lang gusto kong inumin kasi at least di ko nalalasahan masyado yung actual taste ng water. pati kasi sa tubig lakas ng panlasa ko, nakakahilo.
Sinabihan din ako ng mga kawork ko na ganon pero di ko sila pinapansin. Di naman sila un nakakaramdam ng init. Tsaka di pa naman sila nabubuntis. Pati milktea pinagbabawalan nila ako. Pera ko naman pinambibili ko kaya hinahayaan ko nalang sila. 😂
sabi nga po nakakalaki, pwede mahirapan manganak at hindi raw po maganda yun kaya pinaiiwas na po ako sa malamig na inumin.. pinababawasan na rin ang pagkain ko ng matatamis at kanin lalo't lamig.. 5 mos. na rin po ako at kakapa-ultrasound ko lang..
dami nga nag sasabi na nakakalaki ng tyan ang cold water.. eh aq hilig ko ng malalamig lalo nat summer.. once tinake mo na ang cold water nagiiba na temp nyan pag nainum mo na.. tska preggy tau lalaki at lalaki tlga tyan natin..
sabi nila momsh nakakalaki. me momsh. nung nagbuntis ako. malamig na tubig na iniinom ko. pero hindi ung sobrang lamig na parang ice water kalamig ha. dinaman lumaki tummy ko. pero sweets and sodas po nakakalaki proven ko na.
di nmn po totoo un. kaya po iniiwsn malamig na inumin kc pde dw tyo mgka colds whch is mhrp inuman ng gamot kc preggy.. mas naniniwla pa po ako sa bwl ang matams.. normal man o nde ang blood sugar dpt kalma lang sa matatamis.
cold water din iniinom ko kapag inaatake ako ng allergy. yun kasi sabi ng OB ko. inom daw ako ng cold water with ice pa nga sabi niya. nakakaginhawa talaga ng pakiramdam. gumagaling yung ubo at sipon ko in 2 to 3 days.
Okay lang magcold water dahil sa sobrang init baka magkaheat stroke ka pa nyan. Hindi naman nakakalaki ng baby yun, baby ko 3kgs lang paglabas kahit puro malamig iniinom at kinakain ko.
ok lang naman ang cold water momsh. cold or warm water padin naman yun. walang calories ang water para makapgpalaki ng baby. and sa sobrang init ng oanahon natin ngayon nako!!! hehe.