44 Replies

VIP Member

Ako mag 6 months preggy, active lifestyle, still minamanas. Wag gaano magpagod and do not eat salty foods (di ko yan nagagawa kaya minamanas ako kasi lagi pagod at nakatayo or lakad, med student kasi ako at tinatapos ko pa ang sem). Itaas ang paa kapag matutulog, dapat mas mataas sa balakang ang feet (di ko rin nagagawa kasi pagod na pagod tulog na ko agad paghiga). Pero yung manas ko maintained, hindi sya palala kasi minsan nakakapagpahinga o naiitaas pa. Tas pag di pagod, wala manas or onting onti lang

Less upo ng matagal at less tayo ng matagal. Tapos pag naka higa po kayo lagyan nyo ng unan yung paa mas mataas po sa head nyo. Or pag wala ginagawa si mister pa massage lang yung binti pa baba sa talampakan. Ganyan din ako sobrang taba ng paa ko sa manas nung 5 months plang akong pregnant. Now wala na po im 32 weeks and 1 day😊

nung kelan po nagkamanas ko.ng konti, ang ginawa ko minasage ko sya ng 15 min. pataas hanggan tuhod the after nun pinatong ko ung paa ko sa 4 pillow. tas kinabukasan lakad sa sa mainit na semento na naka paa. so ayun po.nawala.

Hi mommy. Same tayo. Ginagawa ko is ineelevate ko lang yung paa ko kapag natutulog effective naman and advice ng ob ko more on probiotic drinks like yakult or yogurt, water and green leafy vegetables 😊

VIP Member

dati nung nagkaganyan ako, pina stop ako ng OB ko sa pag inom ng unmun lalo na ung chocolate. iwas na din cguro sa mga fatty foods..diet diet na muna mahirap na baka lumaki baby, baka ma CS.

VIP Member

Daily exercise mamsh, and kapg nakahiga itaas lng Ang mga paa and wag mag auot Ng masisikip na shoes dapat Yung suoten is comportable ka para makadaloy Ng maayos mga dugo mo sa paa.

wag lagi tulog ng tulog o madalas nakaupo lakad lakad lang tapos sabayan mo minsan ng pagkain ng monggo.. kasi ako ganyan ginagawa ko 7months nko pero di pa ko minamanas

ako po 7 mos preggy na pero walang manas, active lifestyle po , walang humpay sa household chores, aral, work, tapos laging may masage kay hubby kapag gabi 😊😊😊

Ako 30weeks tyan ko di pa naman minamanas. Kahit panay higa lang ako dito sa bahay. Nakakatulong ata ung laging may unan sa pagitan ng binti pg matutulog.

VIP Member

depende po yan sa nagbubuntis mga sis .. ako po kase naka 3 anak na never ako minanas pero always ako pinupulikat pag buntis 😁😁

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles