5DAYS OLD// SEND HELP PLEASE 😭😭😭

5 days palang, iyak nko sa baby ko 😭😭😭 3am-9am kami nag gegera, dko malaman ano gsto. Nakacheck na lahat mula diaper, kabag, room temp, hinaplos haplos ko na't lahat lahat 😪 Sobrang hirap pala, 1st time mom. Nakakastress. Ngayon, tinuruan ako ng in-law ko. Feed daw every 2hrs kahit tulog si baby, pero dont forget mag paburp. Ang original routine ko kse, padede pag humingi, then 20mins burp position, kaso pag binabalik ko sa kama, naiyak na hndi ko na malaman ang gsto. Natataranta ako feeling ko wala akong kwentang ina. Send help please 😣 Struggle ko pag nasinok, feeling ko uncomfy sya or baka hndi nakakahinga, tsaka lungad din and burping session minsan ayaw makisama magburp. Haaay! #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #advicepls

5DAYS OLD// SEND HELP PLEASE 😭😭😭
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi momshie, same here first time mom din po ako. and same din po tayo kung naiyak si baby Ng sobra, Tama po sila kailangan padedein mo si baby kapag nasinok, and normal Lang po yan kasi new born palang sya. o di kaya lagyan mo Ng maliit na papel ung noo nya (kasabihan Ng mga matatanda para sa sinok Kung di madaan sa Dede 😁). saka momshie maglagay ka din po Ng aceite Manzanilla sa tyan ni baby mu para maka utot sya iwas kabag. always burp mo din po sya. haplusin nyo po ung likod ni baby para makaburp sabay Sabi sakanya na-burp burp burp para masanay din po sya. Ganyan ginagawa ko ke baby sinasabi ko para sa susunod eh Alam na nya pumwesto ☺️ . o kaya momshie check mo din Yung damit nya baka may langgam o may kumagat sakanya. white Muna na damit Ang ipagamit mo sknya momshie para Makita mo Kung may insecto. ☺️

Magbasa pa
Related Articles