5DAYS OLD// SEND HELP PLEASE 😭😭😭

5 days palang, iyak nko sa baby ko 😭😭😭 3am-9am kami nag gegera, dko malaman ano gsto. Nakacheck na lahat mula diaper, kabag, room temp, hinaplos haplos ko na't lahat lahat πŸ˜ͺ Sobrang hirap pala, 1st time mom. Nakakastress. Ngayon, tinuruan ako ng in-law ko. Feed daw every 2hrs kahit tulog si baby, pero dont forget mag paburp. Ang original routine ko kse, padede pag humingi, then 20mins burp position, kaso pag binabalik ko sa kama, naiyak na hndi ko na malaman ang gsto. Natataranta ako feeling ko wala akong kwentang ina. Send help please 😣 Struggle ko pag nasinok, feeling ko uncomfy sya or baka hndi nakakahinga, tsaka lungad din and burping session minsan ayaw makisama magburp. Haaay! #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #advicepls

5DAYS OLD// SEND HELP PLEASE 😭😭😭
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello momsh. First time mom here din. 25 days palang baby ko. Yung sa sinok nya, pinaka magandang solution dyan based sa experience ko, ay padedehin sya. Ang bilis mawala mga 2 to 3 seconds lang na nadede sakin, wala agad sinok ng baby ko. Every 2 to 3 hrs talaga ang padede po momsh. Yung baby ko kasi nagigising talaga sya every 2 hrs para dumede. Pero nung 1st to 2nd day namin talagang deretso tulog nya. Kaya pag ganun, talagang gigisingin mo po sya. Tapos sobrang importante talaga ng pagburp. Try mo magpaburp habang sinasayaw sayaw mo sya momsh. Mas madali kasi sila dumighay pag nagagalaw galaw at naiipit ipit yung tyan kesa magpaburp na nakaupo ka po. Based lang din sa experience ko.

Magbasa pa
Related Articles