5DAYS OLD// SEND HELP PLEASE 😭😭😭

5 days palang, iyak nko sa baby ko 😭😭😭 3am-9am kami nag gegera, dko malaman ano gsto. Nakacheck na lahat mula diaper, kabag, room temp, hinaplos haplos ko na't lahat lahat 😪 Sobrang hirap pala, 1st time mom. Nakakastress. Ngayon, tinuruan ako ng in-law ko. Feed daw every 2hrs kahit tulog si baby, pero dont forget mag paburp. Ang original routine ko kse, padede pag humingi, then 20mins burp position, kaso pag binabalik ko sa kama, naiyak na hndi ko na malaman ang gsto. Natataranta ako feeling ko wala akong kwentang ina. Send help please 😣 Struggle ko pag nasinok, feeling ko uncomfy sya or baka hndi nakakahinga, tsaka lungad din and burping session minsan ayaw makisama magburp. Haaay! #pleasehelp #1stimemom #firstbaby #advicepls

5DAYS OLD// SEND HELP PLEASE 😭😭😭
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tama yung every 2 hours padedehin. Hihinto sa pag dede ang baby kapag busog na siya. Yung pagpaburp, pwede isampa mo yung tyan niya sa balikat mo or sa dibdib. Umiiyak si baby kasi ayaw niya mawalay sa nanay niya, naninibago pa siya sa buhay na wala sa loob ng tyan. Yung ginagawa ko nakasandal ako ng upo tapos pinapatulog ko sa dibdib ko baby ko, nakadapa siya sa dibdib ko, nakabantay lang ako kasi hindi ideal magpatulog ng nakadapa. Normal yung sinok (at baheng) sabi ni Pedia, reflex daw yun, sign na okay si baby. Yung lungad normal lang yun. Nakaburp man o hindi, ang importante wag mo ihiga kaagad after dumede.

Magbasa pa
4y ago

Welcome po. The fact na nagaalala ka na baka nagkukulang ibig sabihin lang nun mabuti kang ina. May mga baby na mahirap talaga matulog, try mo lang mag offer ng different ways na kahihimbingan niya, kung ayaw patulugin sa dibdib, pwede namang iswaddle, o di kaya tulad ginagawa ng friend ko, nakatulog sa arms niya habang karga, pinapatong niya lang sa unan para di siya mangawit. Observe mo rin yung waking at sleeping hours niya baka kaya hindi pa natutulog kasi hindi inaantok. Iiyak ang baby kasi bored siya, hobby niya dumede pero hindi naman pwede ma over feed, kaya hanap ka ways para mapatahan siya, ihele mo, patugtugan, mga ganon. Kaya mo yan momsh!

Related Articles