Rashes
5 days old palang po si LO. Meron po syang rashes sa braso and binti nya. Is it normal po kaya? Once palang po sya pinapaliguan kasi bawal pa daw po mabasa yung pusod nya. Ano po kaya pwede gawin para mawala?


pacheck up niyo nalang po si baby sis o mas mabuting ibahin ang sabon o ano mang nilalagay sa balat nya
Sino po nagsabing bawal pang maligo.? Sa hospital nga po sinasabi na paliguan ang baby everyday.
Normal yan kakagaling ko lang sa pedia ni baby ko kahapon.. May ganyan dn kasi ung 6 days old baby ko
Normal lang yan. Dapat dyan araw araw pinaliliguan tapos oilatum soap gamitin mo mamsh para mabilis mawala
Everyday po dapat paliguan c baby with warm water lang. Try cetaphil with aloe vera body wash po.
Init siguro yan momsh kasi dapat pinapaliguan mo si lo everyday wag lang mabasa ang pusod nya
Mami pahiran mo lang ng petroleum jelly. Yan ang pampatanggal ng rashes ni baby 😸 trust me
Everyday mo sya paliguan para iwas sa alikabok or ano man germs na kumakapit sa skin ni baby
Araw araw po paliguan si baby init po sa katwan yan kaya lumalabas po rashes nya mami😊
mommy,araw araw po papaliguan c baby takpan mo lng po ang pusod then patakan ng alcohol.
Simon Howell’s Mom. ❤️