12 Replies
as much as possible, mas okay kung nagtatake ng vitamins kasi hindi naman lahat ng nutrients nakukuha natin sa food alone. maigi na yung sure tayo sa sarili natin na naibibigay natin sa developing baby yung nutrients na need nya. napakahalaga ng calcium, folic and iron sa buntis. kung late na nalaman ang pregnancy, wala na magagawa dyan. inuman nalang ng vitamins agad. kung walang pambili, free po magpa pre-natal sa center, pwede humingi ng vitamins dun. wag kayo papadala sa mga nakakatanda na sasabihin noon wala namang vitamins ay puro arte lang. mas maigi ng kampante tayo kesa naman paglumabas at may anomaly si baby eh tska tayo mag sisisi.
Ano po reason? Tinatamad po or financial? Critical po na nakakapag take ng vitamins lalo na sa first few months ng pagbubuntis para sa maayos na development ng baby. Madami po mga birth defects na natutulungan iwasan with the help of vitamins kase di lahat ng kailangan na nutrisyon ay nakukuha sa pagkain lalo na sa panahon ngayon na mas mura at accessible pa ang mga de lata, mga frozen foods, dagdag pa ang mga cravings like fast food, milktea etc kesa sa gulay at mga prutas. If financial naman po punta kayo sa RHU for prenatal at nagbibigay din po sila ng libreng vitamins dun. -dating RHU nurse
Taga san kayo momshie? Samin kase libre vitamins ng buntis. Tas pag may sakit may freebie like antibiotics saka maintenance for highblood and diabetes. At pang tuberculosis. Sponsored by DOH sympre. Pero may mga gamot din na hindi available o kaya is good for 1 week lang yung supply. Bakuna ng baby libre din sa RHU namin at flu vax/pneumo vaccine ng senior citizens :(
nung buntis ako 1 month lang ako nag vitamins, kase kapag nag vvitamins ako naninigas tsaka sobrang sakit ng tiyan ko hindi naman ako natatae pero namimilipit talaga ko sa sakit nun. kaya tinigil kona kain nalang ng gulay tsaka mga prutas hanggang sa manganak. healthy naman si baby ko
Simula palang po sana na malaman mong buntis ka at makapacheck up, nakainom ka na ng vitamins para kasi sa development ni baby at para sayo yan mommy. Inexplain kasi yan sa akin ng OB ko kung para saan yung nirereseta nya at hanggang kailan need inumin.
Importante po makapag vitamin ka nakakahelp yun sa development ni baby and makaiwas sa komplikasuon. If di mo kaya bilhin lahat ng vitamins atleast uminom ka po ng folic acid and kaht bawiin mona sa prutas, gulay at milk.
baka ikaw rin pagalitan ka ng OB or midwife ilan months kana di kapa nag take ng Vitamins. di ka naaawa sa baby mo sa tiyan momsh? need nya ng vitamins po
Syempre hindi,ano ba nmang tanong yan sis. Kailangan niyo yan pareho ng baby mo para maiwasan ang birth defects.
Hindi po okay. Need po yun. Kung di kaya sa budget pwede po sa center may libre po dun. More prutas at gulay din po.
punta ka mi sa health center may mga free po na vitamins dun.
first tri ang critical stage ng pagbubuntis.
Anonymous