39weeks and 6days

39weeks and 6days na ako. sobrang nakakastress maghintay araw araw at umasa na lalabas na si baby. maninigas ang tyan at sasakit ang puson at balakang pero hindi naman nagtutuloy. nakakapagod umasa hahaha. nakakapressure paa yung mga tao sa paligid, ano magagawa ko ayaw pa lumabas. pagod na din ako maglakad, uminom ng primrose, mag eexercise minsan naiiyak nalang ako kase pagod na pagod na ako pero wala naman nangyayare. lalabas pa kaya si baby via normal delivery? o tanggapin ko na na baka macs ako. hayst. #1sttimemom

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I gave birth at exactly 41 weeks mhie. Kung gusto na ni baby lumabas, lalabas yan. Wag kang magpakastress masyado kasi nararamdaman din ni baby yan. Iinduce na dapat nila ako kaso di na nila ginawa kasi pumutok na panubigan ko nung ituturok na dapat nila yung pampahilab. From 4 cm to fully dilated in just 30 minutes. Mas gusto ni baby na siya mamimili ng sarili niyang birthday haha. Sa ngayon tulungan mo na muna sarili mo at magready. Kumain ka ng prutas like pinya and also sa pwerta mo na idiretso yung primrose para mas effective ang paglambot ng cervix mo. Good luck mommy kaya mo yan!

Magbasa pa