39weeks and 6days

39weeks and 6days na ako. sobrang nakakastress maghintay araw araw at umasa na lalabas na si baby. maninigas ang tyan at sasakit ang puson at balakang pero hindi naman nagtutuloy. nakakapagod umasa hahaha. nakakapressure paa yung mga tao sa paligid, ano magagawa ko ayaw pa lumabas. pagod na din ako maglakad, uminom ng primrose, mag eexercise minsan naiiyak nalang ako kase pagod na pagod na ako pero wala naman nangyayare. lalabas pa kaya si baby via normal delivery? o tanggapin ko na na baka macs ako. hayst. #1sttimemom

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same po tayo mamsh duedate ko naman ngayon sa transV ko. Pinagtake ako ng primrose ulit 3 times a day. Hoping po na makaraos na kami today puro sakit lang ng balakang at paninigas ng puson pero kahapon po may lumabas na saking mucus plug wala lang bleeding pa. Sinabihan din ako ng midwife if ever na di pa talaga lumabas mag ready ako para sa CS pero praying parin ako na normal delivery lang. FTM po ako sobrang nakakapressure po at stress nagaalala na kasi ako sa baby ko pero sinasabi po ng mother ko nanganganay daw po kasi ako kaya maaaring lumagpas sa duedate.

Magbasa pa