Team October, please pahingi po ng mga advise nyo. 🥺

“39 weeks and 5 days na pero close pa rin ang cervix. May amniotic fluid pero konti na lang. Matured na rin ang placenta. Kung hindi pa mag open ang cervix ng at least 3cm, baka ma-cs na.” Ayan po yung sinabi sa akin ng ob ko kanina. Sobra ang iyak ko dahil naii-stress ako sa sinabi ni Doc. Hindi ready ang mind and heart ko sa cs kasi from the start ng pregnancy ko, lahat ginawa ko para ma-sure na via normal delivery ko. Hinanda ko din ang sarili ko at ready na din maka-ramdam ng pain during labor. 😔Pangalawang baby ko na ito. 13 years bago nasundan. Normal delivery naman sa una. Up until now, hindi ako mapakali. Lakad ako ng lakad at nageexercise para ma-make sure na bago mag 40W and 1D si baby (which is date ng check up ko ulit sa OB) ay open na ang cervix ko. Mga mi, ano pa po bang paraan para maopen ang cervix. 😔😔

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello miee, same situation tayo bago ko ipanganak ang baby ko oct. 1 EDD ko but oct. 2 ako nanganak na normal kp mie. ang ginawa ko at ng OB pinainum ako ng primrose 2pcs 3x a day ng 3days at sinalpakan din ako sa pwerta para mag open ang cervix ko nung sept. 29, them exercise lakad ng lakad .. kaya mo yan mie, ilakad lakad mo lang and kausapin mo si baby ganyan ginagawa ko 😊 sabi ko kay baby na lumabas na sya madami na nag hihintay sakanya .. awa ng dyos .. safe naman si baby kahit over na sya ng 1 day sa EDD ko.. 😊pray ka lang din mie 🙏 .. 12yrs na din pala ang sinundan ng baby ko kaya nahirapan din ako .. pero kinaya sa tulong din ng OB at nurse na nag assist ..

Magbasa pa
2y ago

Thank you so much, Mi! ❤️ napalakas mo ang loob ko. Actually po sa first born ko late din ako ng 1 day sa EDD ko. Praying na same lang itong pangalawa ko. A bit scared pero si Lord ang nagbibigay ng hope. ♥️🫶🏻

pray po tayo mga mii si Lord lang ang makakapagbago ng sitwasyon ako din 2nd baby ko na to nasundan niya 6 yrs old kasu 1cm palang ako 39 weeks na ko bukas. pagod na din ako lumakad at magexercise. muntik na ko macs nung nakaraan kasi bumilis ng 170 heartbeat ni baby pero sa awa ng Diyos pagka balik namin ng gabi nagnormal naman. sana makaraos tayo parepareho ng normal delivery 🙏😇

Magbasa pa
2y ago

Di mo po natry makipag do sa mister nyo?

Inom ka po buscopan pampabukas and pampalambot ng cervix 2x a day evening and night Jan po nag open cervix ko and lumabas ung mucus plug kaso na cs din kasi na stuck sa 4 cm kahit I induce na ako for 3 days and ininject na ko ng buscopan ending ECS kasi naka cord coil pala sa body si LO kaya ayaw Nya bumaba hinahatak sya pataas ng pusod Nya

Magbasa pa
2y ago

Hi Mi, advise po ba ng ob sa inyo ang uminom ng buscopan twice a day?

ito lang po ang ginagawa ko nag e exercise para ma induce labor po ako mi tapos naglalakad ng naglalakad at ang pinaka powerfull ay ang makipagtalik kay mister dati 1cm lang ako triny ko at now 4cm na po ako🤗

Post reply image
2y ago

praying for fast and safe delivery mi. lakad lang ng lakad para bumaba ng bumaba si baby kaya natin to kunting kembot nalang🙏

ako nman 39weeks and 6days 😅 2cm parin. 3rd baby ko na. pero 7yrs bago nasundan. kabado na rin kasi palaki ng palaki si baby sa tummy ko😪 hopefully makapanganak na tayo ng normal delivery 🙏🏻

2y ago

iwasan molang mag worried mi kasi diyan makakatulong sainyo ni baby kausapin mo siya palagi na sana lumabas na siya at wagka nyang papahirapan. sana manganak kana😊

same here. 39w6d🥹 yesterday nag perform ob ko ng membrane sweep/cervix stripping.. nkakahelp daw yun eh..

Hi mamsh. May pinainom saken OB ko. Eveprim, try mo ask sa OB mo. Isa iniinom, isa suppository, 3x a a day.

2y ago

sabayan mo na inom miiii, tapos lakad squat ka na. inom ka din pure pineapple juice. sana makatulong! 🫶

inom ka pine apple juice mi