67 Replies
Water Massage / Hydrotherapy Ang water massage ay isang paraan upang pagandahin ang lymphatic flow ng iyong katawan at bawasan ang pagmamanas sa iyong mga kamay at paa. Nakakatulong ang mainit na tubig upang pagandahin ang sirkulasyon, samantala ang malamig na tubig ay nakakatulong bawasan ang pamamaga at implamasyon. Kumuha ng 2 palanggana, ang isa ay lagyan ng malamig na tubig at mainit na tubig ang isa Ibabad ang iyong paa sa mainit na tubig sa loob ng 3 minuto Gawin ang prosesong ito sa loob ng 15 minuto. Ulitin ng maraming beses sa loob ng isang araw. Itaas ang iyong paa Habang nakahiga, ipatong ang iyong paa sa dalawang unan. Dapat ay mas mataas ang level ng iyong mga paa sa iyong puso. Makakatulong ito na bumalik ang daloy ng dugo sa iyong puso. Mag-ehersisyo Nakakatulong ang pagkakaroon ng regular na ehersisyo upang maiwasan ang pagmamanas sa iyong mga paa at pinapaganda nito ang tamang sirkulasyon ng iyong dugo sa buong katawan.
inom din madaming tubig , iwasang umupo ng matagal kung di maiwasan i elevate ang paa ,pwede mo rin itaas paa mo pag matutulog na lagyan unan sa ilalim, pero normal na talaga yan sa atin pag nagbubuntis pagka panganak mo po mawawala din yan agad , ako konti lang manas ko noon kala ko nga wala pero nanibago ako ilang days pagtapos ko manganak , sabi ko sa sarili ko ay hala parang pumayat paa ko š šš
Hi, momshie! Based on my experience (Iām 25 weeks now), a few weeks ago, I noticed na nagmamanas na paa ko. What I did was to elevate my feet every night for 15-20 minutes (legs-up-the-wall pose). Nawala naman sya. :) But still consult your OB ha. Kasi what works for me might not work for you and vice-versa.
Minanas din ako ngaun 7mons na tyan ko pero napawala ko sya sa pagbabad ng paa ko sa malamig n tubig ung my yelo at minsan cold compress effective sya.. ngaun normal na ulit ung paa ko wala na sya manas. Minanas ako nung napasama kaen ko nv talong at monggo..
ung kapatid ko po may manas din sia nung buntis sia. ang pinapagawa ni mama eh maglakad sia ng nakayapak sa kalsada. ung mainit init. try nio po. baka sakaling makatulong. šš di ko po kc naranasan magkamanas simula panganay ko hanggang bunso. šš
keep your feet elevated momsh . pag naka upo ka ipatong mo sa upuan ang mga binti mo. pag nakahiga Naman lagyan mo ng unan sa paaanan. don't forget to walk every morning din and ask ko Lang anong rank mo na momsh. duo Tayo you want?š¤š¤
Lakad lang ng lakad wag parati nakaupo at nag cecelphone.aq never ma manas kasi banat aq sa trabaho kahit manganganak na ako nagtatrabaho pa din aq.kaya di aq nahirapang manganak at never naka experience nyan.
monitor your bp po. one big factor ang pag elevate ng blood pressure that results sa pagiging manas ng isang buntis. lalo na if you're diagnosed GDM and you gain too much weight prior to your pregnancy
exercise lang po. search youtube pregnancy exercise kung anong trimester ka na. palabasin ang mga sweats. tapos inum madaming tubig. bawal po ang maalat. balance diet kung baga.
wag daw kase puro ML. haha joke lang po. taas molang lagi paa mo ate. š kahet sa unan or pader. habang naglalaro ka ML ganon. para di maipon ang tubig sa paa mo makabalik pataas. š