38 & super scared
38 na po ako at at last mens ko ay nag- janssen vaccine pa ko then ngayon nga 6weeks na kong delayed at nagtransV ako kanina, wala pa daw makita, basta daw may UTI ako at uminom ng pampakapit lalo na may sumasakit sakin,baka magkathreatened abortion daw,scan after 2 weeks. wala man lang explanation at advice, 1st time ko pa naman at hindi na iniexpect na mabubuntis tapos ganito, hay matutuloy pa kaya ito, halos di na nga ko makakain dahil sa paglilihi ko tapos magwoworry pa ko kung matutuloy ba baby namin at kung wala ba maging komplikasyon #advicepls #1stimepreggy