Pacheck up na po kayo kung saan malapit, kung health center or hospital. Ang mahalaga po may check up kayo. Tapos from there pwede po kayo makahingi ng recommendation kung saan ok na manganak. Personally ayoko manganak anywhere na more than 1 hour ang layo galing samin (Metro Manila kami si 1 hr byahe malamang traffic 😢). Kasi kung manganganak na ko or emergency, baka hindi ako umabot sa ospital. Pag usapan nyo po nang masinsinan kasi 36 weeks na po kayo, baka kailangan nyo na talaga ng kasama kasi malaki na si baby. Bakit ayaw nya kayo samahan, anong plano pag manganganak na, etc.
Baka po kaya ayaw ka nya samahan dahil ayaw nya don sa hospital na gusto mo. Di po kasi safe sa buntis ang bumyahe pa lalo na sa panahon ngaun. Hanap ka nalang po ng malapit na center or hospital dyan sa inyo. Saka pag manganganak ka na dapat po talaga malapit lang sa inyo. Dapat magkasundo kau kung saan nyo pareho gusto at kung saan mas magiging safe kayo ni baby
Hindi po kasi ako tinatanggap sa center kasi first baby ko po hindi po namin afford yung mga lying in dito sobrang pricy po .
Andy