Comparing CS & Normal Delivery

36 weeks 3 days aq nang ma emergency CS aq sa baby ko check up ko lang sana un & ultrasound pero na kita sa ultrasound ko wala na ko manubigan kaya that day CS agad aq Then my kasabayan akong mag buntis pinsan ko same kami nang due date dpat july pero nauna aq ksi nga sa case ko Tingin ko ginawa ko naman yung best ko sinunod ko yung mga bawal ginagabayan din aq nang partner ko ksi nurse sya then halos ma search mabasa aq para maging normal delivery aq Tapos yung pinsan ko kasabayan ko mag buntis sya yung pasaway sa mga pag kain nang bawal Basta vice versa kami pero sya yung naging normal delivery Ngayon pinag cocompare kami nang mga kamag anak namin sabi pa nila ang tunay daw na ina naranasan mag labour tapos na gagalingan sila sa pinsan ko ksi malaki yung baby niya pero na normal delivery niya Masakit lang sa part ko na marinig un 😞🥺 #advicepls #pleasehelp #1stimemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi Mommy, hindi naman sa normal delivery yan or CS.. parehong mahirap yon.. 3 na ang kids ko, sa first ko grabe! antagal kong ngalabor pinipilit ko syang inormal kaso ayaw tlga kaya na emergency cs ako, doble ung sakit... tapos wala pang 2 yrs old si panganay, nabuntis nanaman ako... kaya sab ng OB ko, di na pwede inormal inischedule naman ang CS ko.. after 5 yrs ngbuntis ulit CS ulit...isinabay na ang ligation with my husband's permission and advice narin ng doctor.. sa kahit anong paraan ng panganganak ay mahirap.. so yun balik tayo sayo, wag kang madisappoint kung ikinocompare ka, hindi naman pare pareho ang pagbubuntis pati ang babies kung malaki or maliit si baby okay lang yun ang mahalaga healthy sya.. wag mo na lang isipin yung sinasabi sayo magfocus ka na lang kay baby❤️mahirap at napaka sarap maging nanay😍so cherish every moment and every milestone ni baby at pati ikaw bilang first time mom💕

Magbasa pa