35 weeks and 6 days.
2nd baby. ♥️
July 17. Nagpaurinalysis ako, kasama na lahat ng laboratory ko. sa ibang test okay naman lahat yung findings.
May uti ako, and nagtake na ng antibiotics for 7 days.
Iwas sa salty food, sweets and makakapagtrigger ng uti.
Sympre hygiene na din kasama na dun and water intake.
Pero nagkakarashes na ako kaya, after 4 hours palit undies tapos lalabhan ko.
Then nagpaurine test ako uli nitong
August.
Sobrang taas ng PUSS CELLS ko plus +1 sa protein.
dun na ako nagtanong sa sarili ko WHY?
Pinakita ko result ko, hindi na ako binigyan ng gamot, as in wala ng antibiotic.
Inisip ko baka sa sabon panglaba na ginagamit ko kaya ganun mataas sobra, kasi alaga ako sa sarili ko o kaya naman mali pagkasahod ko sa ihi ko.
Sobrang stress ako lately kasi malapet na ako manganak, 36 weeks na ako now, papaulit uli yung urine ko tomorrow sana mga momsh okay na lahat. Hays!
Ang ginawa ko uminom ako ng cranberry juice, tapos panghugas ko luke warm water with onting apple cider ganun na ako daily, more water intake pa din sympre since wala na talagang binigay sakin gamot.
Mga mamsh, please include me sa prayers nyo maging okay na urine ko.
Anonymous