18 Replies

33 weeks lang din ako nung ni-IE ako ng OB ko nung nakaraan. Gawa ng mababa na yung tyan ko at matigas na, at hirap nako humigat bumangon. Tas nag 1cm na agad ako, akala ko non normal lng ung pain na nararamdaman ko kasi para sakin endurable pa nmn, un pla na nagpepreterm labor na pla ko. Sa unang IE usually di nmn masakit na masakit base sa experience ko kasi prang isa lng nmn pinasok nya. Sa pangalawa daw tlga masakit.

Every 2 weeks starting po ng 31weeks then by 36 or 37weeks, every week na until manganak. IE po usually ginagawa ni OB pag 38 weeks po (based po ito sa sched sa akin dati sa 1st baby), masakit yung IE at medyo magkakatinge ng blood, pero normal naman po yun kasi tinitignan dun kung okay ang cervix mo kung nagsstart na lumambot in prep manganak.

37 weeks po ako nun unang ei ko then pgdating madaling araw pumutok na panubigan ko 11am nanganak na ako. ps. no contact kami ni hubby since nabuntis ako pero Grabe Ang EI sa akin Ang shaket mamsh 😅

Ako as early as 30 weeks every check up ko IE since high risk ng preterm labor. So kung kailan ang start IE really depends sa situation and condition ni buntis.

VIP Member

iba-iba yan depende sa kondisyon ng baby at mommy. sa normal @35-37 weeks nagwiweekly na si OB, kapag napapadalas na ang contraction mo i-IE ka regardless kung ilang weeks ka pa.

37weeks po, sasabihin po ng OB niyo kung every 2weeks na kayo magpapacheck up pero kung may nararamdaman kayo na bobothered ka pwede ka magpacheckup sa OB mo

Bakit po masakit ie ilan finger po ska wala ba lubricant 😅 saka malalim ba pa ie? Sched ko ie pag 37 weeks na sa oct.22 pa nman para lang may idea na ako

sabi ng ob ko 37 weeks daw ma ie...weekly na ngayon ang check up ko 32 weeks na ako...kahpon ako nagpa check up, sa 27 balik ko...

Kapag malapit na po ang due mo at may mga signs na din po. Yung feeling niyan, parang na virginize ulit. 😅

for IE na rin ako next tuesday. start na kasi ng 9th month ko po. hehe 36th Week

Trending na Tanong

Related Articles