Masakit ang pelvic bone at nahihirapang maglakad
30 weeks preggy po. Pero pag nakatayo ako at naglalakad, may pressure po sa mga buto buto ko sa sa may pempem at mga singit singit. Mejo hirap din po akong maglakad dahil nga din po di ko maiangat masyado yung mga paa ko. Last time na nagpacheck ako sa ob, sabi lang niya na mabigat na daw kasi si baby. Pero bigla lang akong nabahala na baka mababa si baby. Pag nakikita ko naman tiyan ko parang hindi naman mababa at hindi naman sya ganun kalaki. Baka po may same ng sitwasyon ko ngayon. Nababahala lang po ako. This coming friday naman check up ko sa ob, di lang ako makapag antay. Hehe
Excited to become a mum