Stressed.

Hello, 3 months na simula nung nanganak ako. Share ko lang mga mommies at kakapalan ko na mukha ko, ayaw nang akuin ng tatay ang baby ko dahil naiisip niyang sa ibang lalaki ang anak ko. Don't judge me po sana. Pero wala pokong naging ibang karelasyon nung naging kami. Wala po kong nakasex even before. And nagpipills poko before naging kami dahil natakot ako na naging irregular ako, and hindi pa ako non ganun ka educated tungkol sa pills. Pinirmahan niya yung birth certificate ng baby ko and now pinapatanggal niya apelyido niya. Ayaw rin poko tulungan ng parents ko dahil po sa hindi sila naniniwala sakin. Since before, hindi na talaga kami okay ng parents ko dahil sa tingin nila nagrerebelde ako. Pero ang totoo, hindi kami ganun kaclose dahil di ko sila nakasama sa paglaki ko. Kaya ngayon naisip ko na DNA TEST na lang talaga ang pagasa naming magina. Pero kapos kami sa pera. Hindi ko alam kanino lalapit. Nagtry na rin poko magchat sa Raffy Tulfo in Action. Pero till now wala paren pong response. Konting tulong mula sainyo ay napakalaki na para sa anak ko. :( wala rin po akong work as of now. Nagoonline business poko pero hindi paren sapat para saming dalawa ng anak ko.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mamsh. Been in your situation with my panganay. Well,almost similar situation. Dinedeny din sya ng tatay nya. Nung buntis pa ko,nakipagharap sya sa parents ko then kausap din namin parents nya sa phone that time. Inako nya/nila resposibilities pero sabi nya di daw nya kayang pakasalan ako. So for me okay lang basta may support. Pero until now 9yrs old na anak ko,ni piso wala akong natanggap. Hinamon nya ko ng DNA test sabi ko fine as long as sila gagastos. Okay daw,pero until now wala din DNA testing na nangyari. I am capable of paying for DNA test now pero hindi ko na para ipagpilitan ang anak ko sa kanila. May kinikilala nang ama ang anak ko at masaya na kami. Anyways,my point here is,kahit gano ka siguro kasure na anak nya yan at kahit pa alam nyang anak nya talaga yan,kung ayaw nyang akuin,gagawa at gagawa yan ng paraan para iwasan ka. Since in your case,nakapirma naman sa birth cert,I suggest lumapit ka sa authority. DSWD/women’s desk try mo para at least makahingi ka ng sustento. Ngayon kung ipag pipilitan nya ang pagpapaDNA test,sya gumastos no.

Magbasa pa
4y ago

Thank you po. Sobrang nakakastress lang and wala nakong ibang matatakbuhan

Hello, bakit ganun naman ang BF mo..decision nya kaya un or nainfluence sya ng parents nya? Whatever their reason is, its up to them. Di mo naman hawak isip nila.. Sabi mo nga, di kayo close ng parents mo.. Pero for now, family mo lang talaga ang malalapitan mo. Take the consequences they will tell you, all you have to do is humble yourself.. Im sure if you ask their help, they will not hesitate to help kase apo naman nila si baby. Pray first so that God will guide you and will touch the hearts of your parents. Lift up all your problems to God.. Goodluck & God bless..

Magbasa pa
4y ago

Thank you so much po.

Mas mabuti pa po na ang maspend mo sa DNA Test (which is not indispensable as of the moment) is ispend nlng sa mas mahalaga like vitamins, food, medicines etc. for you and your baby. Anyway he just cant erase his admission of paternity at the back of your baby's birth certificate. He must REPUDIATE it and it ia a tedious process

Magbasa pa

Demanda mo sis hindi pwedeng pag ayaw nya panagutan, di nya pananagutan. di naman sya tanga para iacknowledge nya yung bata kung duda sya una palang. Tumatakas lang yan sa responsibilidad. Kala nya ganon ganon lang mag patanggal ng apilyedo sa bata. Pag ayaw nya na ipapaalis nya, ginagawa nyang tanga ang batas.

Magbasa pa
4y ago

Thanks po sa suggestion mommy

VIP Member

Baliw pala yan ,ano pinagsasabe niya na di niya anak yun ? E nagtalik kayo asahan niya na anak niya yun ano sis pamparausan ka lang di kaya panagutan ? kakainis walang bayag yung mga ganyan na lalaki. ,ipaliwanag mo sakanya na wala ka naging karelasyon na iba . haysss

4y ago

Pinaliwanag ko na po lahat lahat 😩

VIP Member

kausapin mo muna ung tatay ng baby mo sis... naka pirma na siya sa birth certificate, legitimate man or hindi, responsable parin siya na magsustento sainyo ni baby. nakaka awa pero sorry sapat lang talaga din budget namin. anyway, Dar ba apilyedo mo?

Magbasa pa
4y ago

Ayaw na rin siya ipakausap ng family niya saken. And sinabihan na rin ako ng mother ko na wag siyang kausapin. Di po. Dar po name ko 😅 hehe

VIP Member

Pumirma na siya sis s birth cert..deadmahin mo nalang ang request n ipatanggal since u know the truth. Kapag ikaw ang dinemanda edi dun k magpa dna test. Ang masasabi ko lang ignore toxic people u have no time for them.

Gusto ko sana tumulong mommy sad to say wala din kasi ako. Pray lang po maitutulong ko na sana maging okay na yung tatay ng anak mo sa inyo. Para masuportahan kayong mag ina 😘🙏

4y ago

Mas malaking tulong po ang prayers. Salamat po!

Yung mister ko kahit napaka mapagduda nun, ngayon hindi sya makapaghinala e. Kamukhang kamukha nya kasi baby girl namin😂😂😂

4y ago

Hindi po kasi niya nakikita and ng family niya na super kahawig niya. Pero pag pinagtatanong tanong ko naman po. Super kamukha daw ng tatay yung baby ko.

pwede pong kasuhan nyo na lang.. considered na child abuse po ung d pag sustento ng ama sa kanyang anak..

4y ago

Ok po thanks po sa suggestion