LONGER SLEEP PLEASE. Send Help!

3 months na si LO and hindi pa din humahaba ang sleep niya sa gabi. Every 2-3 hours pa rin siya gumigising at night para magfeed sa akin. Maximum na longest hours of sleep niya sa gabi is 4 hours☹️ Already tried to keep her awake at noon time para humaba ang tulog niya sa gabi. Wala pa rin effect. Ganito routine namin by 7pm pinupunasan ko na siya then by 8pm nakadim na yung lights and nagopen na ko ng aircon. Magfeed siya, imamassage ko siya tapos change ng diaper niya by 9pm. Next gising niya po 12am para magfeed. next gising niya 3 or 4am change ng diaper and feed po ulit. next gising niya ulit is 6 or 7am which I will feed her again. Since gusto ko pa magsleep ifefeed ko siya ulit around 9am. Then bath time namin by 10am or 11am. May tulog naman ako pero di pa rin diretso kaya mas feel ko lalo yung puyat at pagod. Di ko alam kung naggrogrowth spurt si LO o sadyang malakas lang talaga appetite niya kaya kahit ang tagal na niya nagfifeed sa akin hindi pa rin humahaba sleep niya☹️ Nakikita and nababasa ko kasi yung ibang mommies by 2 months old humahaba na sleep ng mga LOs nila☹️ Minsan napapasana all na lang ako? Please send help. From a mommy who wants to sleep a little longer?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi. Kaka 3months lang ng LO ko last April 27. Before siya mag 2months, gumawa na ako ng routine namin bago siya matulog. Pinupunasan ko siya mga 6pm or 7pm, depende sa mood niya and/or kung nakatulog ba siya ng maayos ng tanghali. She sleeps at 8pm or 7pm. Breastfeed si baby, every 3-4hrs siya gumigising at night para dumede nung 2 months siya. Ngayong 3months siya, pinakamahaba na yung 5hrs. Hindi na ako super puyat ngayon unlike nung kakapanganak ko lang sakanya. As in. Kaya thankful na din ako sa sleeping routine namin ngayon kahit gigising parin ako para padedehin siya. Normal lang din yung pagising gising sila para dumede. Tyagaan lang. Pagdating siguro ng 5 months eh mas mahaba na yung sleep nila sa gabi.

Magbasa pa
5y ago

Thank you po mommy.. Ganyan din po routine namin.. Nagstart po kami 1 1/2 month pa lang siya.. Kaya nga akala ko pag nag3 months.. Magsleep na siya ng mahaba.. Pero hindi pa rin eh.. Tiyatiyagain ko na lang mommy.. Sana nga humaba na din sleep niya..

Relate much ako sis at minsan sumasakit ulo ko sa puyat☺ 6 months old na baby ko now. Pagnap(30mins) lang sya sa hapon maaga sya natutulog sa gabi mga 6 or 7 pm sleep na sya. Tapos gising 10pm magdede. 2am gising na naman sya kung swertihin magplay na sya nyan after dede😅 balik sleep 4am tapos every hour pagising gising na sya hanggang 6 or 7 am☺ 9am bath time nya at sleep sya after maligo hanggang 11 or 12 noon.

Magbasa pa
5y ago

Thank you mommy.. Kala ko ako lang yung ganito.. Madami pala tayo😂 hayaan mo mommy.. Sabi sa akin.. Dadating din yung time na sasabay na sila matulog sa atin.. Kapit lang😁

Hehe.. mommy normal lang yan. Si baby ko saka lang humaba ang tulog sa gabi pagtungtong ng 5months. Pero hnd yun as in dretso ha. Actually until now 14months sya naaalimpungatan parin sya around 2am para magdede sakin. Kapit lang mamsh makakaraos ka din. Zombie mode ka pa ng mga 2months. Kaya yan 😊😊😊😊 mamimiss mo yan pag lumaki na si baby. Hehe..

Magbasa pa
5y ago

Thank you po mommy.. Salamat po sa payo niyo po.. Sana nga po by 5 months mag iba na po sleeping pattern nito ni LO

Tyaga lang sis.. ganyan dn c Lo nun pero hinahayaan ko lang se wala naman magawa kelangan unawain at tyagain, mahabang pasensya at sakripisyo po tlg pag tulog sya matulog ka dn po..c Lo 5mos sumasabay na ng tulog 11:30pm tas gising nya 9am na.. naun mag 6mos na sya nakakatulog na sya 10pm o 10:30pm tas gising ng 8:30am o 9am. Tyaga lang po tlg

Magbasa pa
5y ago

Thank you sis.. Sobrang nagtataka lang kasi ako yung ibang mommies ang problem kasi nila humahaba na tulog ng LO nila.. Yung sa akin hindi.. Oo mukang yun na nga ang ending tiyatiyagain ko na lang sis.. Ang hirap talaga.. Kasi nung 3rd trimester ko halos wala akong matinong tulog.. Kala ko pag ilang buwan na si baby.. Sasabay na siya sa pagtulog ko.. Hayy..

VIP Member

I think it's normal, sis. My LO is 4 months old. Sa gabi maximum na yung 5 hours of sleep. I wake him up to feed him kasi hindi rin pwede sobrang haba ng gap between feedings di ba. Sanay din sa duyan si LO kaya mejo madali naman syang patulugin.

5y ago

Noted po mommy.. Thank you😊 medyo desperado na kasi ako makatulog ng mahaba.. Since di ako nakakatulog maayos since pang 3rd tri ko☹️

VIP Member

Normal lang yan. 8 months na baby ko ang longest sleep nya sa gabi e 4hrs tas magigisng na tas makakatulog ult. Until they turn 1 or 2 yrs old medyo maayus na sleeping pattern nila. No choice talaga kasi d naman pwede matulog pag gisng sila

5y ago

Totoo po mommy.. Thank you po😁

Iba iba po kasi ang mga bata.hindi ka nag iisa dahil ganyan din ang anak ko.khit 2 yrs old na sya mahigit, ganyan pa din siya matulog at gumising. Need talaga nila magfeed kasi 3 mos. pa lang naman po siya.

5y ago

Thank you po mommy.. Kala ko po kakaiba lang po si LO.. Maraming salamat po sa pagsagot..

Kapag po baby di maka tulog naka ac kayo baka nilalamig yan, saka kapag dede po ng dede may kabag yan pahiran niyo po ng aciete de mansanilya yung tiyan at tamlampakan, saka fully clothed po

5y ago

Mommy nakakasleep siya pero hindi yung sobrang haba ng tulog niya.. Gaya ng ibang babies na nakaka 6-10 hours matulog pag night time na.. Yup bago siya magsleep minamassage ko siya kasama tiyan and talampakan.. Di ako nagaciete.. Yung tiny buds calm tummies gamit ko.. Hindi ako kumakain ng sweets pag gabi na.. After lunch pwede pa pero sa gabi hindi na para nga makasleep na ng mahaba si Lo..

VIP Member

Gantong ganto ang baby ko. Kung anong oras mo sya nililinisan pinapalitan at pinapadede same na same. Fanon yata talaga ang mga babies.

5y ago

Oo mommy.. Hahaha the struggle is real.. Kasi pagdating sa umaga.. Siya energized na.. Ako parang may hangover dahil sa puyat😂

Haha actually sis same here. L.o ko 5mos n pero 2-3hrs nag fefeed siya kahit Gabi.. kaya ayun 5mos n din akong puyat. 😂😂

5y ago

Relate na relate ako mommy..kapit lang tayo.. Sabi nila 6-7 months po.. Hahaba na tulog nila sa gabi.. #Fingerscrossed