SSS Maternity benefits
3 months na hulog lang ako around 2170 pesos per month magkano po ang maternity benefits nun mga mamsh? magkano hulog nyo po? at magkano po nakuha nyo po? salamat po sa makaka share ng sagot po.
to know if magkano ang maternity benefits claim mo, need mong ipapermanent ang SSS number mo. Once done, login ka sa sss account mo then follow this step: inquiry > benefits > sickness/maternity > maternity then may magpapapop up na boxes that you need to fill out. REMINDER po na hindi porket nakapaghulog kayo before kayo manganak for at least 3 months or so, ay qualified po. May tinatawag si SSS na semester of contingency. A semester means two (2) consecutive quarters ending on your possible date of delivery. If ang due date mo po is Dec 2023, ang semester of contingency mo is July 2023 to Dec 2023. Need mo pong magbayad at least 3 months within the 12 months contribution PRIOR the contingency. So dapat po may hulog kayo within July 2022 - June 2023. 3 months po ang minimum qualifications and if you want to maximize the benefit, better na nakapaghulog po kayo sa loob ng mga buwan na yan at least 6 months. Medyo nakakalito po talaga. Also, dapat nakapagfile na po kayo ng maternity notification prior the delivery or procedure. Otherwise, mahihirapan po kayong iprocess ang claim. NOTE ko lang din po na may bracket system po kung magkano ihuhulog niyo sa sss buwan-buwan to get the entire 70k for normal/cs.
Magbasa pa2170=15500 salary credit 15500/180x105=27,124.99 if tama po salary credit 2023 sa google at pasok po sa qualifying period.