5 Replies

1. pwedeng di mo na lagyan ng time kung mauubos naman agad (max 4days sa ref lang). pero need mo lagyan ng date/time kung magsstore ka sa freezer for future use. at better na 1st in, 1st out. 2. normal yan kasi ang pagpapupump, nagrerelease ng oxytocin, nagcacause ng contraction ng uterus pabalik sa dating shape at size nya. good thing yan pag after magpump/maglatch naglalabas ng blood (wag lang heavy bleeding yung yipong puno agad ang napkin in 1hr) dahil yan sa paghilab ng matres (lalo at bagong panganak pa lang) 3. okay lang kung talagang di pa kaya ni baby, pero make sure na yung gagamiting nipple ng bote e halos tugma sa nipple/breast mo kasi mahihirapan na syang maglatch kung sakaling kaya na nya ang nipples mo. (magkakanipple confusion kasi newborn palang nagbote na kahit bmilk ang gamit) ginagamit ko ay pigeon wide neck, never naconfuse si baby ko nun. 4. saka ka na magtake ng malunggay capsule or any milk boosters dahil naguumapaw pa ang milk mo since nagpump ka rin ng maaga. baka maging oversupplier ka at di mo mamaintain ang pagpump mo/latch maging reason pa ng pagkakaroon ng mastitis. Sa akin nun, pinastop ako ni OB ko magtake ng mga boosters dahil grabe magumapaw ang milk ko (1week old pa lang nun si baby) saka ako nagtake nung 6months old na at nasa work na ko to do pumping while working. basta consistent ang pump/latch at well hydrated ka + eating healthy foods, less stress, magiging consistent pa rin ang supply mo. not too much, not too less. tama lang to feed your baby and store sa freezer (based sa experience ko, nakapagstore ako ng 150bags 1.5months bago ako bumalik sa work nun, in between latching ni baby, nagpupump ako, yung pumped milk, yun ang nilalagay ko sa freezer, and until now marami pa ring store sa freezer namin at sa freezer sa work, thankfully 🙏) you may ask your OB or pedia kung sakaling may mga questions pa para mas maeducate po. Godbless and enjoy your motherhood journey. 🙏❤️

I think normal lang mo na bubulwak dugo niyo kasi nagble-bleeding naman po talaga after manganak, 8 days palang po kayo after nanganak, but take note nalang po if heavy bleeding balik po kayo sa OB kapag heavy ang bleeding.. mas maganda po na sulatan ng time since marami po kayong supply baka di din ma ubos ng baby niyo later on.. okay lang po breastmilk tapos sa bote ilagay, but mas recommended ang direct latching kasi nakakatulong sa baby at sa inyo, nabu-build din kayo ng attachment with babies at nakakatulong mag shrink ng matres ang direct latching. Natalac or Malunggay Capsule po but if madami naman supply wag na po mag supplement baka po di ma empty ang breast niyo, sasakit po yung boobs niyo kapag ganun worst maglead into mastisis.

I think normal lang yung may dugo. Ako almost a month na may lumalabas pa din dugo konti konti. Normal lang naman daw sabi ni Ob. Sa pumping, 2 weeks lang si LO sa bote ko na pinapadede. Hassle kasi pag direct latch para saken. Mayat maya dede. Feeling ko di siya satisfied. Pag bote at nasusubaybayan mo yung dami ng milk intake nila, mas ok saken. Mas mahaba ang tulog. 😅 sa caps tsaka ka na mag take. Blessed ka kasi sobrang dami na ng milk mo. In 8 days, konti pa lang nacoconsume ng mga babies.

Hi mii. Suggestion lang parang mas ok na mapadede mo yung mga unang milk na naexpress mo kay baby (mukhang colustrum pa po kase) para mas matibay resistensya ni baby. Ok din na lagyan mo po ng date yung ini express mong milk para alam mo ano una mong papadede. Sa pagstore ng milk - 4 days sa ref, 4 months sa freezer. From freezer to ref, 24 hrs dapat ma consume na. Pag newly express naman, 4 hrs dapat madede if room temp. Tas any tirang milk dapat ma consume within 2 hrs.

Tsaka mii dapat walang pain talaga pag nagbebreastfeed as per dun sa nurse nung nagpalactation massage ako. Baka mali po position nyo ni baby kaya ganoon.

wow nakakainggit naman si mommy ☺️ ako gustong gusto ko mag bf ayaw ni baby at diko alam wala ba sya nakukuha. pero til now tinatry kopa din , mag 1mos na si baby a sabado oct 6

Trending na Tanong

Related Articles