Not pregnant
2weeks delayed and nag positve sa pregancy test ng 3 times pero yan po ang result ng trans v ko sabi ng midwife di daw ako buntis pero nirefer ako sa ob by next week pa ang sked ko.


yes tama po yung midwife, not pregnant kasi "thin endometrium" ang nakita sayo. dapat thick ang nakita kung very early pregnancy man yan. possible may hormonal problem po dahil sa nakitang cystic follicle sa right ovary mo. yan ang tawag pag yung follicle di nagrupture at namaga na lang na naging cyst. kaya di ka nireregla kasi kumbaga nacut yung menstrual cycle mo dahil sa di pagputok ng follicle at magrelease ng egg. if walang nareleass na egg walang magsasabi kay brain mo na pakapalin ang matres mo para in oreparation sa possible fertilization at implantation..so kaya manipis ang matres na nakita. hintayin mo na lang po yung cgeck uo mo kay OB mo sya ang mageexplain sayo ano nangyari at anong gagawin po.
Magbasa pa