TAP AFTER DARK PART 2

2nd scary experience ko sa bahay pa rin namin. Sobrang dalas ko makaramdam ng pagtaas ng balahibo at biglang kakabahan na matatakot. Dahil na rin siguro sa kakaisip dun sa nakita ko sa labas ng bintana nung una๐Ÿ˜… madalas na ko talaga matakot lalo kung magisa lang ako. Kumaluskos lang ng konti kinakabahan na ko. One day nanunuod ako ng TV kasama pamangkin ko biglang lumamig ung hangin, may narinig ako sumitsit pero wala naman tao. Kinakabahan na ko dahil mga pamangkin ko maliliit pa namn, maya maya lumamig ulit hangin at may nakita ko biglang naglakad tinanaw ko labas ng pinto wla naman tao dinedma ko ulit. Ilang minuto nakikita ko sa gilid ng mata ko my tao na nakatayo. Pagtingin ko nagulat at napasigaw pa ko ng makita ko nasa gilid ang tito ko at umiihi (nakatagilid) nagtaka ko at sobrang natakot dahil ilan araw na rin wala sa tito dahil nagbakasyon sa mga anak nya sa Bulacan. Binalik ko tingin ko sa tv at nagpapawala ng takot sabay tingin ulit sa gilid at biglang nawala naman d ko lubos maisip kung namamalikmata lng ba ako or what๐Ÿ˜ฒ Makalipas ilan araw dating gawi nuod tv kami ng mga pamangkin ko andun rin ang mama ko habang pinakakain namin mga bata biglang nagsalita yung pamangkin ko ng "mommy may tao" tumingin kami pareho ni mama wala namn, parehas pa kami ngtanong "nasan?" Sumagot ulit sya "ayun oh lalaki may ketchup yung muka!" Pareho na kaming natakot dahil wala namang tao at inisip namin na ung ketchup is "dugo" kinilabutan na kami pareho ni mama. Dun ko na rin sinabi sknya yung mga nakita at naramdaman ko nung mga nakaraan araw . Takot at lungkot ang naramdaman namin dahil ilang araw lang nalaman namin na yung Tito ko na nagbaskayon sa Bulacan ay naaksidente habang nagbabike pauwi at namatay๐Ÿ˜” iniisip namin na baka sya yung nkita ko at nakita ng pamangkin ko. Nagpapaalam or umuuwi pa rin siguro sya dhil hindi nya pa tanggap na wala na sya.....end.... #MagandangGabi

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

๐Ÿ‘ป๐ŸŽƒ๐Ÿ‘ป๐Ÿ˜ฑ

๐Ÿ˜ฑ๐Ÿ˜ฑ๐Ÿ˜ณ