8 MONTHS PREGGY AND MAYROONG GENITAL WARTS

2nd na pagbubuntis ko na po ito. I have a genital warts po and binigyan po ako ni ob ng suppository for vagina and nirecommend niya din po sa akin na maglagay ng tawas powder sa part na may warts at banlawan after 3hrs. Sobrang hapdi po di ko kayang tiisin kaya ginawa ko na lang pong panghugas ang tawas hinahalo ko sa tubig na pang banlaw. Ang concern ko po is pwede po kaya akong manganak ng normal delivery? Kahit sa lying in lang po lalu na sa panahon natin ngayon napakahirap gumastos ng malaki. Meron po ba dito na nakaranas na ng ganito? 8 months preggy na po ako. Lagi na lang ako natutulala baka mamaya irequest cs ako. Nung nanganak ako sa panganay ko nornal delivery naman at wala akong genital warts. Sana po may makapansin # genitalwarts

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi momsh if ever na sabihin ni OB na pa CS ka.. Magpa CS ka nalang mas mahirap kasi baka mahawa si baby ng infection kung ipipilit mag normal delivery.. As early as possible pag usapan niyo ni OB yan 8mos ka na e dapat alam mo na sa ngayon palang anu procedure.. Pros and cons kung magpapa CS ka or pwede mag normal delivery ano effect kay baby kung may ganyan ka.. Tandaan sa ganito situation kaligtasan niyo ni baby ang pinaka mahalaga.. Pwede ka naman manganak sa public hospitals kung ayaw mo gumastos ng malaki..

Magbasa pa
3y ago

Hello po as of now nakausap ko po si OB nacucurious talaga ako if gaano kalala ang genital warts ko lalu na at di ko nakikita hanggang kapa lang ako. Pina rate ko 1 to 10 sabi po ni OB 5/10 daw pwede naman daw po manormal delivery kung mababawasan pa daw kahit konti yung warts. Thankyou po mga momsh sa mga advice niyo, i really appreciated po♥.

Related Articles