Need Help🥺

24weeks pregnant napo ako worried Lang Po ako Kase Po lagi Po akong nalilipasan Ng gutom Kase Po mahirap lang Po kami.minsan walang pagkain.kaya lagi Po akong nalilipasan Ng gutom.yung Asawa ko Po walang trabaho Kase kakagaling Lang nya sa sakit.nakatira Po kami sa magulang nya Wala din trabaho.ang hirap Po Ng buhay namin.wala din Po akong iniinom na gatas at vitamins kase Wala pong pambili🥺Hindi Po kaya magkakaroon Ng deperensya Yung baby ko?walang Wala Po kase talaga kami 🥺#pleasehelp

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

laban lang mommy. kain lang kapag meron nang makakain. habang wala pa, kahit siguro mag laga ng malunggay. baka may mga halaman naman sa paligid na mapipitas lang. para kahit paano healthy ang naiinom mo para sa baby at para na din siguradong sagana ka sa gatas pag labas ng bata. bukod sa healthy na ang breastfeeding, napakalaki nang matitipid mo po.

Magbasa pa

Ako po. 30weeks ng pregnant. Sa center po ako lagi nagpapacheck up. Nagbibigay po sila ng libreng vitamins para sa baby at para din po sayo. Pag wala silang stock pababalikin ka nila para mabigyan. Kaya punta ka na lang po sa brgy center nyo dyan para mabigyan ka ng vitamins. Ingat po😊 saka kahit biscuit kain ka po.

Magbasa pa
VIP Member

buti di po sumasama pakiramdam nyo? ako po kasi once malipasan ng gutom sumasakit ulo ko at panay suka kahit walang lumalabas. pwede naman po kayo magpacheck up sa center para mabigyan kayo ng vitamins. libre lang dun.sabi ng mga kakilala ko na sa center nagpapa check up

VIP Member

mommy, try nyo po mag ask sa mga center sa lugar nyo. may mga pinamimigay po yatang libreng supplements para sa mga buntis. libre din ang checkup. kapag po gutom ka, kung walang wala, kahit po maligamgam na tubig. kung meron biscuit, kain ka din po.

Kaya yan mommy, sa health center ka muna. May free vits sila for pregnant women. Pag nakakaramdam ka gutom water ka muna. Or kahir biscuits lang po. Hindi po kasi maganda nagugutoman si baby.

VIP Member

Pray lang po momsh na maging ok si baby. Wag po papalipas ng gutom kahit mag biscuit lang po kayo at tubig kung wlang wala po talaga. Malalagpasan nio rin po yan.

Sinubukan nyo na po bang pumunta sa brgy or health center sainyo? Baka po namimigay sila ng libreng prenatal vitamins para kay baby. Laban lang mommy!!

Related Articles