Hirap huminga
Hi. 24 weeks na ako bukas, grabe ang naexperience ko kahapon. Akala ko mamamtay na ako. Naliligo ako tapos bigla akonh nakaramdam na hirap huminga. Lumabas ako sa banyo kahit di pa ako tapos maligo. Umupo ako sa sahig at tumapat sa electric fan. Nahirapan ako huminga. Parang nalulunod. Parang suffocated. Dalawa pa lang naman kami ng 5 years old kong anak. Ang hirap. Di ako nakatulog. 6 am na ako kanina nakatulog kasi umatake na naman. Gising ako magdamag. Wala naman akong hika 😭😔