Planning where to give birth

22 weeks pregnant Gusto ko lang din naman po maging practical amd syempre pati nadin yun safety namin ni Baby. Nag alangan po ako mag lying in dahil ang dami kong nakausap na mag lying in biglang emergency, kaya nag plano po ako na mag ospital. Planning sana mag Fabella. Pero chinicheck ko din yun Chinese General Hospital na charity nila. Haysss, any tips mga mamsh. #1stimemom #pregnancy #firstbaby #advicepls #pleasehelp

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi, sa Chinese Gen po ko currently nagpapacheck up and dun ko narin po plano manganak 😊 Yung mga kasabayan ko sabi nila okay naman daw yung experience nila sa cgh, kaya nung nabuntis sila don ulit sila nagpapacheck up and nanganak. May mga ksabayan pako na mayaman pero don din nagpapacheck sa charity. Kahit ung sister in law ko dun sya nanganak okay naman daw po same as sa workmates ng asawa ko 😊 Dun narin ako nirefer ng mother in law tsaka sis in law ko kasi subok na nila na originally sa Lady of Grace ako nagpapacheck up 😅 and as for my experience rn sa cgh okay naman po sila medjo pricey lng tlga sa labs kasi dun mismo ipapagawa lahat ng lab reqs nila.

Magbasa pa

Hi, nung buntis ako halos lahat ng nakausap ko na nanganak sa chinese gen, hindi maganda ang feedback. maski ung asawa nung nanganak di nagustuhan ang serbisyo hindi pa charity un. ung sa friend ko nung college ang charity sa chinese gen, di nya rin daw nagustuhan. bigla na lang daw sya na CS na hindi pinapaliwanag kung bakit. as in wala raw pinaliwanag kung bakit sya na CS kahit daw tanong sila nang tanong. nabigla tuloy sila sa gastos.

Magbasa pa