Munting Anghel

May 22, 2020 3:43PM Pinakamasayang sandali ng buhay ko. Parang musika sa akin ang iyak ng munti kong anghel. Lahat ng sakit at hirap sa panganganak, napawi nang oras na masilayan ko siya. Ganito pala ang pakiramdam, walang pagsidlan ang kagalakan. Pero nagbago rin lahat ilang oras pagkatapos ko siyang isilang, bigla na lang siyang nahirapang huminga. Dinala sa ospital-nilagyan ng oxygen-- ang sabi stable ka na. Patuloy akong nagdasal na sana maging ayos na, kinailangan mo na ng gatas pero kahit anong pump ko wala pa rin kaya naman nanghingi tayo ng tulong, at hindi naman tayo pinabayaan ng Diyos dahil ang daming nagbigay sa'yo. Nagiging ayos na ang pakiramdam mo pero hindi pa rin ako panatag dahil hindi pa kita makasama. Mas lalong sumakit at bumigat ang pakiramdam namin ng papa mo nang biglang tumawag ang doktor mo na kailangan mo nang lagyan ng tubo dahil hirap ka na sa paghinga, sobrang sakit. Hatinggabi rin noong araw na 'yon pinapupunta na ako sa ospital para macheck-up din pero sadyang may pumipigil, hindi na ako natuloy. Hindi man ako makatulog nang maayos pero pinilit kong matulog para magpalakas pa para sa'yo. Mga bandang mag-aalas tres ng madaling araw tumawag ulit ang doktor sa papa mo dahil pinapupunta na siya sa ospital, kritikal ka na, kahit si papa hindi mo na nahintay tuluyan ka nang nawalan ng hininga. Ang sakit, sobrang sakit. Hindi man lang ulit kita nakarga anak. Alam kong lumaban ka, napakatatag mo, ngayon hindi ka na mahihirapan sa piling ng Diyos. Mahal na mahal na mahal kita. Hanggang sa muli munting anghel ng buhay ko.

23 Replies

Condolince bilang magulang sobrang sakit ang mawalan ng anak pero isipin na lng natin na may ibang plano si god para sa atin,pakatatag po kau.humogot kau ng lakas sa mga taong andyan na nagmamahal sa inyo.ako din nawalan ng anak 4days ko xa pinaglibor bago cs nakasama ko xa ng 3months masakit po kasi 8yrs namin hinintay first baby gumuho mundo ko nuon dami tanung sa buhay bakit ako pa san ba ako nagkulang.pero khit anung gawin mo kong hindi para sau.sakabila ng lahat 1month after mawala ng una ko baby nagbuntis ako ulit.6months na po si baby sa kabila ng lahat nagtwala ako kay god.at sana ganun din po kau mommy.salamat po sa pagbasa god bless

Condolence sis..I lost my baby last Dec 2019, 2 yrs and 5 months na sya..masakit subrang sakit pero need natin tanggapin, lahat Ng nangyayari sa atin may dahilan..at ngayon sis I'm 13 weeks pregnant. Bsta pray lng lge..Kya mo yan sis

Condolence po 😔 may reason si God bakit po nangyari yan kapit ka po kay God wag ka po mawawalan ng pagasa in Gods perfect time bibiyayaan ka ulit ng anghel 🥰

it was painful to lost a child.... May GOD comfort you and your family... stay strong in GOD'S time another bundle of joy will come.... hugs to you sis😍

Condolence po.sobrang sakit pra stin Ang mawalan ng anak.lalo nat 9 n buwan ntin syang iningatan sa sinapupunan at bigla lng mawawala..pakatatag ka po.

Condolence. Bakit bigla nalng ganun ang nangyari? Kawawa nman si baby. Pakatatag lang po. God Bless and may your baby rest in peace.

ang sakit dyusko 😢...sana po maging ok kayo at maging matatag pa.

VIP Member

Condolence mamsh..magpakatatag kayu..kaya nyu yan..God bless 🙏

Why po? 😭😭 what nangyari kay baby? :(

Sorry for the loss po. Condolence 😭

Condolence po . Anung nangyri?.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles