23 Replies
hi mommy. kamusta ka? wag ka masyado mag worry. alam mo ba isa din ako sa mga mommy before na naiinggit kapag nakakabasa na nararamdaman nilang sobrang active ang baby nila sa tummy nila. dumating din ako sa point na palagi kong tinatanong yung sarili ko kung okay lang ba si baby kasi madalas ko sya talagang di maramdaman. gabi gabi yun din ang dasal ko. sabi nila pagtuntong ng 6mos magiging active na daw so ako naman si antay. pero same padin. hanggang dumating si 7mos ko medyo medyo padin then eto pag tuntong ko ng 8mos doon ko na talaga naramdaman yung solid na galaw nya although hindi sya yung tulad ng iba na bumubukol talaga pero ang importante may movement sya. anterior placenta din ako. kaya din siguro factor sya sakin plus FTM din. saka mommy, sulitin mo yung moment na maliit pa ang tummy mo kasi I tell you sobrang hirap ng pumosisyon matulog talaga pag malaki na sya at palagi kang hindi makahinga. ang hirap bumaling baling ng pwesto pg nakahiga. kaya wag ka na ma-sad as long as alam mong wala kang ginagawa to harm your baby
dont worry mi, mrrmdaman mo din yan iba iba kse tayo ng body type e.. FTM din ako pero maaga ko naramdaman galaw ni baby dhl maganda ung positioning ng placent ko. May times din na di ko sya ramdam, may times na sobrang likot ismo may kaaway sa loob. Try mo lang mg relax tipong di ka gagalaw tamang cellphone lang gagalaw yan. Kapag kase kumakaen ako mg sweets di sya responsive e. Mas gusto ng baby ko ung wala akong gngawa don sya mag eexercise 😁 tas kapag ngstart na ako maglakad, mg walis, mag hugas ng pinggan o mkipag chismisan sa asawa ko tahimik na sya pero kapag tamang tahimik ang paligid at tamang cellphone lang aun na hahaa..try mo din lgyan ng baby lullaby sa tummy mo pero mejo mahina lang na sounds 😁 21 weeks na ako 😁
nagkaron din ako ng ganyang dilemma nung 4months tyan ko. tapos ang ginagawa ko is kumakain ako ng sweets. and usually sa ganyang age nya, di pa talaga yan super likot. masyado pa actually maaga. parang pa-pintig pintig pa yan. wait ka mag 5 to 6 months, dun mo na mas mafi-feel yung active movements nya. and check mo din tong app kase sinasabi naman dito if mafi-feel na ba active movements nya or what not. pagka umabot na yan ng 6 months and up mamsh, jusko, maloloka ka na sa kalikutan. masakit na nakakatuwa HAHAHA
Ako din po mii Anterior placenta ako mii 6months Na po ako Pero ang galaw parin nya sa tyan ko Pintig lang minsan nahuhuli ko din sya nagalaw ang tyan ko' Same parin sya nung 4months ako Subrang happy mii pag nakkaramdam tayo ng movement ni baby sa tyan' Oo same tayo nagwworry Pero sa tuwing babasa ako dto sa Assian malaking tulong din Bsta prayer's lang po tayo mii na safe lagi c baby sa tummy natin,, ❤️🙏🙏 waiting lang tayo mii
aq din mi, 20 weeks and 5days before ganyang dn nararamdaman halos umiiyak tlga aq tas prayer ndn at knakausap q c baby then nag papatugtog aq, grabe worry q nun. pero gnun pla tlga w8ng m lng mi, ngaun araw araw prang my bubbles s tyan q kakatuwa hehe. pang 3rd baby qna to and C's dn aq Jusko grabe sarap s feeling nyan pg sunod sunod mna naramdaman sya.keep safe kau n baby
keep safe din sayo mii. thank you ❤️🤰
same mamsh. cephalic na si baby pero wala ako maramdaman movement. fluttering lang tas madalang. sbe naman ni ob, normal since maliit pa si baby sa 20weeks. pero ngayon mejo 24weeks nako nakikita at ramdam ko na small movements ni baby sa tsan ko, though hindi pa ganon kadalas
Usually, pag first time moms daw po sa 20 or 22 weeks onwards pa mararamdaman talaga. 😊 So, don’t worry po. Sanayin nyo na lang po muna na humiga facing left side, kausapin si baby, or magpatugtog malapit sa tiyan, baka one of these days maramdaman nyo na po siya. 😊
Baka anterior yung placenta mo mi kaya di talaga ramdam agad si bb. Wag mag worry. Ako nga mataba pa ko mi ha pero parang busog lang din bump ko hahahaha pa 5months na din ako. Wag mag worry kasi maaabsorb ni bb yung nararamdaman mo. Always think positive
Ganon talaga mi. Kahit ako e. Pero lagi ko iniisip may awa si Lord. Di nya tayo papabayaan. Lift it all up to Him mi. 🥰
dahan2 po lalaki pag 6months kna mi, ganyan dn akin 6months na ako ngayun ,nung 5months ko prang busog lang po ako, sa movement n baby as long as na detect heartbeat nya sa doppler no worries yan mi, baka late lang movement n baby, or anterior ka
Para po d kau mahirapan pag labor inom kau ng oine aple juice mabil lann po dilation nyu ...
ako din po mi mag 4months na parang bilbil lang walang bump,pero anterior ako akala ko kasi mararamdaman ko na sipa ni baby nakkaparanoid ang layo din ng clinic ko tapos maselan ako sa byahe.
same mii medjo maselan ako nung first trim netong second trim. not sure na di pa nakakapag pa check up ulit. stay safe satin ❤️
Anonymous