Exhausted 😭
2 weeks pa lang si Baby, pero yung puyat ko sobra-sobra! Di ko sya maalagaan ng maayos dahil pagod at puyat ako. 😭 Hanggang kailan po kaya ganito? 😩#advicepls
Its okay mommy, that's normal napag daanan natin lahat yan. Tiis lang talaga, since adjusting din si baby. Ganyan din baby ko before hanggang bago sya mag 1 month, ayaw pa nya palapag. Pero na surpass naman namin. 🤗 Kapit lang mommy
gnyan dn situation ko now mi 1 month si lo. Khit sa duyan nggsing agad pg d inuugoy kya puyat dn ksi unli ugoy gngwa mnsan nmn pg ngsawa ppkarga iyak ng iyak pg nilalapag sa kama tsaka nggsng agad 🥲no choice buhat buhat buong gabi.
Same sis 1 week 1 day pa lang baby ko and super puyat at pagod ako pero kayang kaya ko parin alagaan baby ko kasi kapag nakkta ko sya nawawala na pagod ko 😊 enjoyin lang natin kasi ang bilis lang ng araw mabilis din sila lumaki
kaya mo yan mommy... ❤️ si baby ko noon.. nung 4 mos sya nagbago na ang sleeping pattern nia.. matagal na sya matulog sa gabi..kaya nkakatulog narin kami.. gigising lang pagdedede.. tpos tulog ulit..
Same momsh. Mag 2months na si baby ko namumuyat pa rin. Pero enjoyin mo lang po, worth it naman yung pagod at puyat basta para kay baby. Minsan lang sila baby momsh kaya sulitin na natin ♥️
naranasan ko din yan mommy tiis lang pero pag tungtong ng 2 months nyan nakakatuwa na makakausap muna yan iba ang saya ng pagging mother pag ang anak ang pinag uusapan kaya mo yan super mommy
Enjoy it momsh kasi pag laki nila hahanapin mo na. Like me, ganyan din ako sa baby ko peeo ngayon 1 yr old na namimiss ko nuong baby pa siya. Enjoy it kasi mabilis lang ang panahon, d mo mamalayan.
yung baby ko, tulog ng tulog pa nung first 3 weeks niya pero ngayon 1 month na siya, medyo fussy na lalo na between 6-9 pm. Bumibirit talaga ng iyak eh.
ganyan dn aq sa baby ko non halos mangiyak nko sa antok nung nag 3months baby ko nun nagderederecho na tulog nya sa gbi.tiis lng momshie kaya m yan
Sa experience ko po yung first 3 weeks po talaga grabe puyatan. Pero pagdating ni baby ng almost 1 month medyo umaayos na tulog nya sa gabi.
Mum of 1 active junior