1 Replies

hello po mommy, ang exercise po ay pwede nang umpisahan kahit sa unang trimester palang. ask niyo po si OB ng mga exercise po na pwede, at kasama po doon ang paglalakad lakad po. mahalaga po sa buntis ang saglit pero consistent na exercise para maiwasan po ang gestational diabetes (diabetes na nakuha sa pagbubuntis) at mataas na BP habang buntis na nagdudulot ng pamamanas sa kabuwanan. sunod lang po tayo sa safety protocols at magpabakuna po laban sa covid 19 para po sa inyong safety ni baby. ingat po palagi! pahabol lang po, madalas po ako maglakad nung buntis pero nung kabuwanan nahirapan na po ako maliit lang po kasi ako pero yung baby ko malaki hehe parang kambal po dala ko non. kung magaya man po kayo sakin, squats po pwede gawin kahit sa kwarto lang.

sorry mommy pahabol ulit, sa first trimester o yung unang 3 buwan mahirap po talaga mag exercise kaya wag po pahirapan ang sarili bawas stress po. sa second trimester mafifeel niyo na po ulit yung energy. ingat po sa mga kinakain at iniinom na gamot ask your OB po palagi pag may nararamdamang kakaiba or may masakit po.

Trending na Tanong

Related Articles